applebottomjeanzz
Leecher
- Joined
- Dec 6, 2022
- Posts
- 2
- Reaction
- 0
- Points
- 2
Just wanted to ask po if sino po may mali dito. Ganito kasi yun:
First week November, nagpaalam na ako sa adviser ko na lilipat ako ng Open High School Program (OHSP) dahil nga may work ako tapos di kakayanin yung 5 days a week na naschedule ng klase. Before kasi 3 days a week lang kaya okay yun naadjust ko pa yung schedules ng work at classes ko.
So ayun nga, nagtanong na ako sa guidance counselor kung pano makalipat sa OHSP at sinabihan naman ako na ieenroll ako sa OHSP at magpasa lang ako ng mga requirements. Isa sa mga requirements is yung card ko. Yung card ko, may kulang na isang subject. Kaya ayun pinuntahan ko yung subject teacher kung saan wala yung grade ko at sinabihan naman ako na ibibigay na lang niya sa adviser ko kaya panatag na loob ko at hinihintay ko na lang kung kailan distribution ng card para makuha ko at mapass. Lagi kasi puno schedule ko dahil nga sa trabaho dahil graveyard shift kaya di ako laging makakapunta sa school.
Halos isang buwan din akong naghihintay pero wala man lang update yung adviser ko. Chinat ko siya kanina lang tapos nalaman ko na lang na di niya pala inasikaso card ko kasi nga di raw ako pumunta sa kanya. Mind you nakapagpaalam na ako sa kanya about sa balak kong pagtransfer sa modular learning at di ako laging may free time. Sinabihan pa niya ako na tinitake for granted ko lang ba raw siya dahil lang nakapagtrabaho na ako? Kaya raw di niya inasikaso grading card ko kasi sobrang disappointed niya raw sakin.
Gusto ko lang po malaman kung at fault ba ako o ano?