What's new

Need some advice po

Joined
Dec 6, 2022
Posts
2
Reaction
0
Points
2
Just wanted to ask po if sino po may mali dito. Ganito kasi yun:

First week November, nagpaalam na ako sa adviser ko na lilipat ako ng Open High School Program (OHSP) dahil nga may work ako tapos di kakayanin yung 5 days a week na naschedule ng klase. Before kasi 3 days a week lang kaya okay yun naadjust ko pa yung schedules ng work at classes ko.

So ayun nga, nagtanong na ako sa guidance counselor kung pano makalipat sa OHSP at sinabihan naman ako na ieenroll ako sa OHSP at magpasa lang ako ng mga requirements. Isa sa mga requirements is yung card ko. Yung card ko, may kulang na isang subject. Kaya ayun pinuntahan ko yung subject teacher kung saan wala yung grade ko at sinabihan naman ako na ibibigay na lang niya sa adviser ko kaya panatag na loob ko at hinihintay ko na lang kung kailan distribution ng card para makuha ko at mapass. Lagi kasi puno schedule ko dahil nga sa trabaho dahil graveyard shift kaya di ako laging makakapunta sa school.

Halos isang buwan din akong naghihintay pero wala man lang update yung adviser ko. Chinat ko siya kanina lang tapos nalaman ko na lang na di niya pala inasikaso card ko kasi nga di raw ako pumunta sa kanya. Mind you nakapagpaalam na ako sa kanya about sa balak kong pagtransfer sa modular learning at di ako laging may free time. Sinabihan pa niya ako na tinitake for granted ko lang ba raw siya dahil lang nakapagtrabaho na ako? Kaya raw di niya inasikaso grading card ko kasi sobrang disappointed niya raw sakin.

Gusto ko lang po malaman kung at fault ba ako o ano?
 
Marami ginagawa si Teacher kaya nakalimutan nya siguro? Maybe sinabi nya lang yun kasi nakalimutan nya.. wala kang fault at di rin natin sya masisisi kasi marami syang ginagawa? imo,
 
Marami ginagawa si Teacher kaya nakalimutan nya siguro? Maybe sinabi nya lang yun kasi nakalimutan nya.. wala kang fault at di rin natin sya masisisi kasi marami syang ginagawa? imo,
Pero nasabi niya po sakin na yun na nga lang yung kulang ko, sa isang subject na lang (mga Nov. pa niya sinabi sakin yun). Kukunin ko na nga lang po kahit blanko na yung isang subject na yun pero di niya ibigay yung card ko. Nung pumunta ako sa school, pinuntahan ko yunh subject teacher ko na yun para asikasuhin yung grade ko sa subject na yun tapos sabi ni ST na siya na lang daw magbibigay nung grade ko kay adviser. Akala ko nga din na makukuha ko na yung card ko kasabay nung ibang classmates ko pero di pa pala. At yun nga po, nalaman ko kanina lang na di niya pala inasikaso papel ko. Akala ko talaga okay na yung ibang grades ko, sa isang subject na lang kulang. Sinabi pa nga ng mga classmates ko na kasali raw sana ako sa honor list kung di lang kulang ng isa grades ko. Nakakahinayang lang po na sa tagal kong naghintay na maging okay yung grading card ko, mapupunta lang din pala sa wala.
 
Sabihin mo po sa Principal? Then kayo mag usap tatlo non? Para malaman po kung bakit di nya nabigay/bigay?
 
Similar threads

Back
Top