Switch off mo ang laptop at tanggalin lahat ng peripherals (USB Drive, Memory Card, External HD, etc.,) tapos switch on mo ulit ang laptop.
Kapag 'di gumana, subukan mo 'to:
1. Switch off laptop
2. Switch on laptop
3. Ulitin ang proseso hanggang sa makita mo ang "Preparing Automatic Repair" sa screen
4. Hayaan mo mag-boot ang laptop sa "Automatic Repair"
5. Click "Advanced Options" at piliin ang "Troubleshoot"
6. Piliin ang "Refresh your PC" (kung ayaw mo magbura ng data) o "Reset your PC" (kung gusto mo magbura ng data)
7. Pagkatapos mo pumili, sundan mo lang ang mga instructions sa screen hanggang sa matapos ang recovery
Kapag 'di pa rin gumana, dalhin mo na ang laptop mo sa PC repair shop para malaman kung ano ang sira.