- Joined
- Nov 8, 2020
- Posts
- 577
- Solutions
- 2
- Reaction
- 330
- Points
- 219
Context lang: 24M ako, 23F siya. May nakamatch ako sa bumble last October lang. Nagtalking stage kami sa mga unang linggo tapos mga after 2 weeks pa lang, nagkita na kami (first meet). Kumain kami sa labas ganon, tipong date ba hahaha. Naging okay naman and then eventually nung birthday niya last november, nagpadala ako ng flowers sa bahay nila hehe lolo pa niya nakatanggap, kwento niya sakin hahaha. After non pinakilala niya na ko sa magulang niya (2nd meet pa lang namin ito). Okay naman ang pagtrato sakin ng magulang niya kaso nahihiya ako nung simula at syempre kabado na rin haha first time ko magpakilala sa magulang eh kaya may dala akong pagkain non hehe.
Hingi lang sana ako ng advice kasi ewan ko ba, parang nabibilisan ako sa pacing ng relationship namin. Medyo nagtampo kasi siya sakin, hindi ako nakapunta sa kanila nitong pasko kasi nahihiya talaga ako at malungkot na rin kasi broken family kasi kami eh. Nahihiya ako ipakilala siya. Tsaka gusto ko sana, ipakilala siya pagka nagkaron na ko ng matinong trabaho. Hindi kasi ako yung nagjojowa para lang pampalipas oras, gusto ko sana siya na talaga.
Eh naiisip ko kasi, parang di ko pa deserve magkaroon ng jowa kasi wala pa kong matinong trabaho, baka may mangyari sa amin eh tapos hindi ko kayang panagutan.
Kailan ba ang tamang panahon para mapakilala ko siya sa tatay at sa lola ko? Masyado bang maaga kung ipakilala ko siya sa magulang ko? 3 months ko pa lang siya nakikilala eh, gusto ko sana mas makilala siya ng maigi bago ko siya ipakilala. Okay lang kaya ito para sa kanya?
Salamat sa mag-aadvice.