try mo po eh off ang switch ng PSU pag d nyu na gagamitin, tapus monitor mo lng kng jan padin ung problem.
may mga na encounter na kasi ako na ganyang kaso usually sa older systems, mga 1155 pre built units, tapus persistent talaga, bawat on mag popower cycle kaya either ung ram pinalitan ko or ung PSU.
sa mga modern system nmn usually hindi talaga sya nag oon, ginagawa ko nmn ay ni rereset ko lng ung BIOS sa default settings, nang yayari yan kasi kapag hindi compatible ung RAM timings or OC settings ng PC kaya pag reset ng BIOS gagana agad.
sa iyung case minsan lng nmn at isang loop lng, baka may nag titriger lng sa board para mag power cycle, gaya ng power residue, kasi nga inconsistent ung power sa PSU kaya initially hindi sya mag sastart tapus pag power cycle nya ulit yun na pag start.