What's new

Nakakalungkot Talaga! Ngunit Alam Kong Hindi Mananatiling Gayon

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Naaawa ako at nalulungkot para sa mga taong nakakaranas ng kawalang-katarungan, o ng kahirapan dulot ng mga sakuna o trahedya. Bago lang, isa sa anak ng aming minamahal na kaibigan ang nagpakamatay dulot ng hindi magandang kalagayan sa pamilya. Nakakalungkot! Hindi ko alam kung anong salita ang puwede kong sabihin upang aliwin ang aking kaibigan.

May mga pamilya ding nakakaranas ng pang-aabuso sa loob mismo ng pamilya. Lately, I've watched a video from YT nung isang pamilya kung saan labindalawang magkakapatid ang ikinulong sa loob ng maraming taon ng mismong mga magulang nila. Yung pagkuha lang nila ng pagkain sa refrigerator, itinuturing na ng magulang nila na pagnanakaw. Kapag may mali silang nagagawa, inilalagay sila sa isang cage. At maraming taon yan na nangyari sa kanila. Talagang nakakalungkot at nakakaawa!

Kahit papaano, tayong mga tao na nasa mabuting kalagayan o hindi nakakaranas ng ganiyang mga bagay ay may dahilan pa rin para maging masaya. Hindi naman ibig sabihin nito na dahil masaya tayong hindi natin nararanasan ang mga bagay na iyan eh hindi na tayo nalulungkot o nasasaktan sa mga nakakaranas ng ganiyang kawalang-katarungan.

Ang makita pa nga lang ang ating mga kababayan na masalanta ng bagyo, masira yung kanilang mga ari-arian, at mamatayan pa nga, talagang napakasakit na! At maraming taon na nating tinitiis na makita ang mga bagay na ito! Kahit sino namang tao ay tiyak na malulungkot sa ganiyang mga balita.

Gayunman, umaasa ako na sa halos libong mga taon na naranasan ng mga tao ang ganitong mga bagay, nakatitiyak ako na sa hinaharap ay may gagawin ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat upang ayusin ang lahat ng bagay. Paratangan man siya na walang ginagawa ngayon, pero dahil kilala ko ang Diyos na aking sinasamba, natitiyak kong may gagawin siya sa hinaharap para alisin ang lahat ng mga pagdurusang ito.

Ang libong taon ng paghihirap ng mga tao ay papawiin ng Diyos at papalitan ng isang walang-hanggang mga pagpapala kung saan ang mundo ay hindi na kailanman makakaranas ng pagdurusa. Patuloy kong panghahawakan ang mga ito, tuligsain man ng iba ang aming paniniwala sa mga pangako ng Diyos!

Umaasa ako, gaya rin ng milyun-milyong mga tao sa ngayon, Oo, na ang Diyos ay "nagtakda ng isang araw kung kailan hahatulan niya ang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking inatasan niya, at bilang garantiya sa lahat ng tao, binuhay niya siyang muli." (Gawa 17:31)

Sa hinaharap, bibigyang katuwiran ng Diyos ang lahat ng kawalang-katarungan na nangyari sa mundo sa nakalipas na libong mga taon at ang mga paratang sa kaniya na wala siyang ginagawa ay mapapasinungalingan at masasabing mali! Sa pinakatamang panahon ay kikilos ang Diyos!

Nakakalungkot man ang mga nangyayari ngayong kawalang-katarungan at mga paghihirap, at mga pagdurusa nating mga tao, ngunit alam kong hindi mananatiling gayon! Sa hinaharap ay ituturing na lamang nating 'dati ang lahat ng bagay'. Bakit?

Dahil nangangako mismo ang Diyos sa ating mga tao:

“Tingnan mo! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.” Sinabi rin niya: “Isulat mo, dahil ang mga salitang ito ay tapat at totoo.” (Apoc. 21:5)

Oo, ang lupang ito ay hindi mananatiling gayon kung saan maraming pagdurusa at paghihirap. Maibabalik muli ito sa isang Paraiso kung saan magiging payapa at panatag ang mga tao at hindi na makakaranas pa ng mga pagdurusa o kawalang katarungan.

images (5).jpeg
 

Attachments

Last edited:
Copy paste ba nman….


Anway… kung sa hinaharap pa eh di too late na for most people… sayang naman 😒
Bilyun-bilyong mga tao ang bubuhaying muli sa hinaharap after ng Armageddon.. hindi man sila napaabutan ng mabuting balita bago dumating ang wakas, may pag-asa naman silang makarinig ng mabuting balita tungkol sa Diyos kapag binuhay na silang muli .. kaya, its not too late po for most people na mamamatay sa panahon natin bago dumating ang wakas ..

Its too late para sa mga tao na hindi makikinig NGAYON at kung hindi sila magsisisi at hindi sila maglilingkod sa Diyos ngayon kapag biglang dumating ang wakas ...

Copy paste ba nman….
iniisip ko kung ano yung copy paste :unsure:
 
Last edited:
Bilyun-bilyong mga tao ang bubuhaying muli sa hinaharap after ng Armageddon.. hindi man sila napaabutan ng mabuting balita bago dumating ang wakas, may pag-asa naman silang makarinig ng mabuting balita tungkol sa Diyos kapag binuhay na silang muli .. kaya, its not too late po for most people na mamamatay sa panahon natin bago dumating ang wakas ..

Its too late para sa mga tao na hindi makikinig NGAYON at kung hindi sila magsisisi at hindi sila maglilingkod sa Diyos ngayon kapag biglang dumating ang wakas ...


iniisip ko kung ano yung copy paste :unsure:
Ahhh so bilyung bilyong tao ang bubuhayin muli for at bibigyan ng:

“pag-asa naman silang makarinig ng mabuting balita tungkol sa Diyos”

Thats it?? Pag-asa?? So not sure pa din pala… hahahaha

Eh ung consciousness nung ng mga namatay na un un din ba ang ibabalik sa kanila?? Ung may mga deformities at sakit same body ba sila bubuhayin?

Eh ung mga hindi nakikinig now at di naglilingkod pero sa last minute pagdating ng armageddon na yan eh nagbago isip, pd ba sila makasama?? 😁
 
Ahhh so bilyung bilyong tao ang bubuhayin muli for at bibigyan ng:

“pag-asa naman silang makarinig ng mabuting balita tungkol sa Diyos”

Thats it?? Pag-asa?? So not sure pa din pala… hahahaha

Eh ung consciousness nung ng mga namatay na un un din ba ang ibabalik sa kanila?? Ung may mga deformities at sakit same body ba sila bubuhayin?

Eh ung mga hindi nakikinig now at di naglilingkod pero sa last minute pagdating ng armageddon na yan eh nagbago isip, pd ba sila makasama?? 😁

1. "not sure pa din pala." Nope. Nasa pagpili ng mga indibiduwal ang magiging basehan ng paghatol sa kanila kapag binuhay na silang muli. Kapag binuhay sila at hindi pa din sila nakinig at naglingkod sa Diyos, puksa pa din ang ihahatol sa kanila.

Juan 5:29 at mabubuhay silang muli. Ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay mabubuhay magpakailanman, pero ang mga gumawa ng masasamang bagay ay hahatulan.

2. "consciousness and deformities." Nasa maayos na pag-iisip at pangangatawan na sila kapag binuhay silang muli. Kung naging mahirap para sa kanila noon ang maglingkod o makinig sa mensahe ng Bibliya at namatay sila nang hindi nakakapaglingkod, sa panahong buhayin sila, normal na katawan ang ibibigay ng Diyos sa kanila. Walang sakit.

3. "yung mga hindi makikinig ay puwede pa bang magsisi sa last minute?" Hindi na. Ayon sa hula ng Bibliya, sa panahon ng paghahayag ng paghatol ng Diyos, patuloy pa rin na magsasalita ang mga tao ng laban sa Diyos. Hindi na sila kakikitaan pa ng pagsisisi.

Apoc. 16:21 Pagkatapos, mula sa langit ay bumagsak sa mga tao ang malalaking tipak ng yelo, na mga isang talento ang bigat ng bawat isa, at NAMUSONG SA DIYOS ANG MGA TAO dahil sa salot ng yelo, dahil napakatindi ng salot.

Sa ngayon, pangangaral pa lang tungkol sa pag-asa ang inihahayag namin. Y'ong mga tao na makikinig ngayon ang may pag-asang iligtas ng Diyos na Jehova sa Armageddon. Pero once na matapos na ang pangangaral ayon sa panahong itinakda ni Jehova, ititigil na ito at magsisimula na ang paghahayag ng paghatol sa sanlibutan. Yan yung paghahayag na hindi magugustuhan ng mga tao. Ayon sa hula, babagsak sa bawat isa sa kanila ang mabigat na mensahe ng paghatol ng Diyos, pero imbes na magsisi sila, ang sabi ng Bibliya "namusong sa Diyos ang mga tao." Oo, hindi sila kakikitaan ng pagsisisi sa panahong iyon. Kaya imposibleng may magsisisi pa sa panahon ng Armageddon.

Y'ong mga taong iyon na hahatulan sa Armageddon ay talagang karapat-dapat sa pagkapuksa at hinding-hindi na sila bubuhayin pang muli.

Pero sa ngayon, habang patuloy pa ang pangangaral ng mabuting balita, may pag-asa pa ang mga tao na mailigtas sa dumarating na paghatol ng Diyos.

Gets?
 
Back
Top