What's new

Trivia NAGBIBIGAY PANSIN KABA SA MGA BABALA NG BIBLIYA?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
🥀🌱

🍂🌱Maraming hula sa Bibliya ang natupad na at natutupad sa panahon natin sa ngayon at may mga hula sa Bibliya na nagpapakita na napaka lapit na ng wakas ng masamang sistemang ito na kontrolado ni satanas at ng diyablo.

🥀🌱Sinasabi sa 2 Timoteo 3:1"Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan.

🌱🍂Pinapatunayan ng teksto ito na talagang napaka mapanganib sa mundong kinbubuhayan natin dahil pasama ng pasama ang kalagayan ngayon at mas lalo pa itong sasama.

✳KAYA NAGBIBIGAY PANSIN KABA SA SINASABI NG BIBLIYA?

🌱🍂Nagbababala ang Panginoong Jesus na darating ang wakas ng sistemang ito ng biglaan at pwedeng mangyari anumang oras at hindi ito inaasahan ng karamihan ng tao.

🥀🌱Sinasabi sa Lucas 21:34-36"Pero bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili para hindi mapabigatan ang inyong puso ng sobrang pagkain, sobrang pag-inom, at mga álalahanín sa buhay, at bigla na lang dumating ang araw na iyon na gaya ng bitag at ikagulat ninyo. 35 Dahil darating ito sa lahat ng naninirahan sa buong lupa. 36 Kaya manatili kayong gisíng, na nagsusumamo sa lahat ng panahon para makaligtas kayo mula sa lahat ng ito na kailangang maganap at makatayo kayo sa harap ng Anak ng tao.

🍂🌱Kaya malinaw ang babalang ibinigay ng Panginoong Jesus na darating ang wakas ng hindi inaasahan ng karamihan ng tao.

🥀🌱Kaya naman binibigyan ng Diyos na Jehova ng pagkakataon ang bawat indibidwal na gamitin ang kanilang kalayaang magpasiya na pumili kung paglilingkuran ba nila ang Diyos na Jehova o hindi.—Deuteronomio 30:15-20

🌱🍂Pero tandaan,hindi tayo pinipilit ng Diyos na Jehova na sundin sya at paglingkuran sya. Pero kung susundin natin ang Diyos na Jehova magkakaroon tayo ng pagkakataong mabuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa.—Lucas 23:43

🥀🍂Kung magbibigay pansin tayo sa sinasabi ng Bibliya at susundin ang mga ito,matatamasa natin ang napaka gandang pangako ng Diyos na Jehova sa hinaharap kapag isinakatuparan na nya ang kanyang pangako para sa sangkatauhan.❤🤗
FB_IMG_1632869195556.jpg
 

Attachments

Back
Top