[XX='lobaloba000, c: 645920, m: 1290308'][/XX] Yes paps. Kung yun naman talaga ang realidad, hindi natin pwede i-bend yan. Maaari mo syang ipagpalaban, pero hanggang kailan? Hanggang kaya pa? Kahit sobrang sakit na? Samantalang ang taong gusto mong ipaglaban ay matagal ka ng sinuko. Hindi naman natin pwede isiksik yung sarili natin sa isang tao na hindi naman tayo ang mahal di ba? Oo may masasaktan at masasaktan sa proseso na ito. Pero balang araw, magsisilbi din itong aral para sa ikakalago ng sarili mo. Ang mundo mo ay hindi umiikot sa kanya, walang mangyayari kung ikaw ay hahawak lang sa nakaraan. Bagkus harapin mo ang kinabukasan na buo ang iyong loob at sarili. Grow up.