What's new

Move on

lobaloba000

Addict
Joined
Aug 13, 2018
Posts
280
Reaction
29
Points
123
Hello mga lods. Anong ginagawa nyo para para makamove on? penge naman po ng advice and tips. Maraming salamat po.
 
Pwede ka namang hindi mag move on, hayaan mulang sarili na makalimot sa masalimoot na kahapon hanggang tuluyan mo siyang makalimutan. Kung makalimutan muna siya start new journey with new love life. Okay?
 
Basta wag ka muna pumasok ng bagong journey pag basag kapa magiging toxic lang relasyon niyo.
 
Wag ka mag alala marami pang nandyan na mas deserve sayo at papahalagahan ka basta wag ka tumingin sa panlabas na anyo.
 
Cheerup kita sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. I feel your pain because i've been with that before. Hayaan mo sarili mong mapag isa hayaan mo muna mga mata mong umiyak normal lang yun at wag kang mag iisip ng negative sa iyong sarili. Alam ko na kaya mo iyan alam ko na matatag ka at may paninindigan na kaya mo ang lahat kahit hindi na siya parte ng iyong buhay. Okay?
 
oo lods, my ipon naman at financially stable na eh. normal lang ba na ayaw i-share sa mga kaibigan yung mga ganitong problema?
 
[XX='lobaloba000, c: 645920, m: 1290308'][/XX] Yes paps. Kung yun naman talaga ang realidad, hindi natin pwede i-bend yan. Maaari mo syang ipagpalaban, pero hanggang kailan? Hanggang kaya pa? Kahit sobrang sakit na? Samantalang ang taong gusto mong ipaglaban ay matagal ka ng sinuko. Hindi naman natin pwede isiksik yung sarili natin sa isang tao na hindi naman tayo ang mahal di ba? Oo may masasaktan at masasaktan sa proseso na ito. Pero balang araw, magsisilbi din itong aral para sa ikakalago ng sarili mo. Ang mundo mo ay hindi umiikot sa kanya, walang mangyayari kung ikaw ay hahawak lang sa nakaraan. Bagkus harapin mo ang kinabukasan na buo ang iyong loob at sarili. Grow up.
 
[XX='lobaloba000, c: 645948, m: 1290308'][/XX] Alam kong kaya mo yan lods. Napag daanan ko din yan, alalahanin mong hindi ka nag-iisa.
 
Maghanap ka ng pagkakabusyhan mo until ma fefeel mo nalang na ok kana. tapus tatawanan mo nalang mga nangyari dati hahaha
 
mahirap makalimot pero, after lahat ng yan magiging mas better ka, madami sa tabi tabi at makakahanap ka talaga ng katapat mo at tutulong sa buhay mo
 

Similar threads

Back
Top