Di ko alam bakit big deal sa inyo yung 100-peso cup of rice eh di lang naman yung resto nya yung nagooffer ng ganyan at may iba pa nga na mas mahal pa ang presyo ng kanin. Ang logic kasi dyan ay di lang yung kanin binabayaran mo, sa pagorder mo nyan, binibili mo na rin yung space ng pinagkakainan mo, yung brand ng resto, yung employees, etc. At kung magrereklamo kayo na kesyo mahal, natural mahal yan kasi in the first place, yung market nila is mayayaman. Eh, kung tayo na sakto lang na nakakakain or mahirap talaga, mahal na satin, sa market nila, hindi. Sana po wag kayo magpadala sa strat ni rendon kasi sa pinaggagagawa nyo, di kayo bumoboses, nauuto lang kayo.