What's new

Help Monitor patay sindi

Secret-Eye

Eternal Poster
Ano po kayang magandang gawin pag patay sindi ang monitor habang nakasaksak yung washing, every iikot yung washing mag ooff yung monitor then pag hinto ng washing mag oon ulit?
 
Kapag patay-sindi ang iyong monitor tuwing umiikot ang washing machine, maaaring mayroong ilang isyu sa iyong electrical setup o sa mga kagamitan na konektado sa iyong kuryente. Mayroong mga posibleng solusyon na maaari mong subukan upang maayos ang problema:

1. I-check ang electrical connections: Tiyaking maayos ang mga saksakan ng monitor at washing machine. Siguraduhin na tama ang pagkabit ng mga prong at walang umuusok o nasira na mga kable.

2. I-test ang ibang outlet: Subukan mong ikabit ang monitor sa ibang outlet. Kung gumagana ito nang maayos, maaaring may sira ang iyong kasalukuyang outlet. Maaari mong subukan ang iba pang outlets o humingi ng tulong sa isang propesyonal na elektrisyan upang maayos ito.

3. Iwasan ang overloading ng kuryente: Baka ang iyong electrical circuit ay sobrang pinapagod dahil sa masyadong maraming aparato na konektado dito. Subukan mong tanggalin ang ilang mga hindi kailangang naka-kabit na kagamitan o gamitin ang ibang electrical circuit para sa washing machine at monitor.

4. Bumili ng voltage regulator o UPS: Maaaring makatulong ang pagbili ng isang voltage regulator o Uninterruptible Power Supply (UPS) upang maprotektahan ang iyong mga kagamitan mula sa mga problema sa kuryente tulad ng overvoltage o power surges.

Kung pagkatapos mong subukan ang mga solusyon na ito ay patuloy pa rin ang problema, maaaring mas mahusay na humingi ng tulong sa isang propesyonal na elektrisyan upang suriin ang iyong electrical system at matukoy ang sanhi ng problema. Ito ay importanteng gawin upang maiwasan ang anumang panganib sa kaligtasan at upang maayos ang problema nang maayos at naaayon sa mga electrical standards at regulasyon.
 
magka-share ba sa outlet yang washing machine mo at monitor? Malakas talaga sa power ang washing machine kaya aagawan nya ang ibang electric devices. Gamit ka ng voltage regulator para sa monitor mo.
 
magka-share ba sa outlet yang washing machine mo at monitor? Malakas talaga sa power ang washing machine kaya aagawan nya ang ibang electric devices. Gamit ka ng voltage regulator para sa monitor mo.
Same sila ng main pero di sila same ng sinasaksakan, yung monitor ko nakasaksak sa panther yung may power surge protector, yung washing machine naman sa normal extension lang
 
Actually gumagana yung panther extension nya, kaya namamatay. Kasi nga biglang bumababa yung power, kada spin nung washing machine, tapos biglang balik or surge sa normal, kaya nati-trigger. Ang kailangan talaga voltage regulator para hindi paiba-iba ang voltage.
 
bilhan mo AVR monitor mo, wlang silbi yang surge protector. mas importante voltage regulator ksi uso sa pinas fluctuations hindi surges.
 
natural yan na nangyayare pag may biglang andar na washing machine kahit electric fan napapatay sindi bigla monitor, pero nakaka sira yan ng monitor katagalan
 
Actually gumagana yung panther extension nya, kaya namamatay. Kasi nga biglang bumababa yung power, kada spin nung washing machine, tapos biglang balik or surge sa normal, kaya nati-trigger. Ang kailangan talaga voltage regulator para hindi paiba-iba ang voltage.
Any voltage regulator na ma susuggest niyo?
 
ang magandang gawin dyan is tumawag ka ng electrician tas pagawan mo ng separate na panel yung washing machine...ang possible nangyari dyan is overloading...different yung outlet ng washing machine at monitor pero same sila ng panel useless parin
 

Similar threads

Back
Top