- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,562
- Reaction
- 7,221
- Points
- 2,572
Minsan Ang kabiguan ay Isang pagpapala ...
Check this Short Story.
"May mag-ama na gustong gusto nang umuwi sa probinsiya nila dahil sa pandemic, sobrang naghirap na kasi Sila at nawalan pa nga ng mahal sa buhay... Para makauwi Sila sa probinsiya...kailangan Nila sumakay ng barko. Nag ipon Yung mag-ama Ng Pera ...at nakaipon Naman Sila...
" Nong time na sasakay na Sila Ng barko .. sobrang excited nong anak...tumakbo siya patungo sa barko Ngunit dahil sa pag mamadali Niya, nabangga Ng anak ang isang mayamang babae. Dahil sa pagkakabangga ng anak...nabitawan ng mayamang babae yung dala niya na isang mamahaling painting... nadumihan lang naman yung painting pero lubos na nagalit yung babae. Sinampal nya yung bata.. Dali daling pinuntahan nong ama yung anak niya at humingi pa rin ng tawad sa mayamang babae. Ngunit sinabi ng mayamang babae na dapat bayaran ng Mag-ama yung painting na nadumihan..
"Tinutukan pa nga Sila ng Ng baril nong mga kasama nong mayamang babae. Walang nagawa ang mag-ama... kundi ibigay Ang Pera Nila na pamasahe sana nila sa barko. Dahil don Hindi nakasakay sa barko Ang mag ama at Hindi Sila nakauwi sa probinsiya. Sa sobrang lungkot at galit Nong ama..Napalo Niya Yung anak Niya at sinisi..napakalikot daw kasi...
" Kinabukasan...habang malungkot pa din Yung ama dahil sa nangyari... Nanood na lang siya Ng Balita...At nabigla siya Kasi nakita Niya sa Balita na Yung barko na sasakyan sana nila ay lumubog Pala at Wala kahit Isa Ang nakasurvive !!! Sobra siyang nabigla, naiyak at kasabay nito ay natuwa din at niyakap Ang anak niya.... Kung Hindi dahil sa kalikotan ng anak Niya at kung Hindi sila nabigo sa pagsakay Doon sa barko..sana ay nakasama din Sila Doon sa mga namatay dahil sa paglubog Ng barko.....
Kaya ano Ang aral? Kadalasan Ang kabiguan ay maituturing ding pagpapala.... Kadalasan kailangan mong maranasang mabigo upang sa hinaharap ay maiwasan mo ang mas matinding kabiguan o matinding kapahamakan ... Kaya wag na wag susuko sakabila Ng kabiguan...
"May mag-ama na gustong gusto nang umuwi sa probinsiya nila dahil sa pandemic, sobrang naghirap na kasi Sila at nawalan pa nga ng mahal sa buhay... Para makauwi Sila sa probinsiya...kailangan Nila sumakay ng barko. Nag ipon Yung mag-ama Ng Pera ...at nakaipon Naman Sila...
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.