What's new

Closed Minimum wage increase approved

Status
Not open for further replies.
Isang paraan lang ng gobyerno ito para hati hatiin ang pagkakaisa ng bawat pilipino sa makatarungan dagdag sahod. Kung isang bayan lang ang tinaasan paano naman ang iba pa..
Pagtatakip nila sa kahihiyan ng kawani nila na naglabas ng P10,000 para mabuhay mo ang isang pamilya.

Ang 20 pesos na dagdag sahod ay malayo parin para maabot ang tunay na sahod para mabuhay ang pamilya sa visayas. Isang pagpapalubag loob para sa bigat na dulot ng unang taon bugso ng TRAIN LAW
 
Last edited:
Haha mahirap ang maging mahirap pero mas mahirap ang walang pangarap. .pero sana pareho lahat nang sahod sa minimum wage. .
 
Nasaan na ang pangako ni mr. d na national minimum wage. Pantay pantay na sahod para sa lahat ng mababang uri ng manggagawa
 
Mababa. Sana maaprove yung 750 nationwide
maaaprovebahan lang ito kung maraming pilipino ang ipaglalaban ito.. Maipapasa ba ito sa kongreso kung ilan lang sa makabayan bloc ang nagsusulong nito laban sa daang mga kongresista na sila mismo ay negosyante at ahente ng mga dayuhan negosyante at ganon din sa senado. Kabawasan sa interes nila ito kung ipapatupad ang isang minimum na sahod sa buong pilipinas at 750 pa ito.

Kaya wala sa kongreso, senado at lalong sa pangulo para ipatupad ito... Nasa lansangan ito. Malaki, malawak na kilos protesta ng sambayanan ang kailangan dito kung gusto nyo na maipatupad ito.. Hindi ito nakukuha sa sana o dasal. Dahil walang silang kusang ibibigay talaga para sa atin at ito ay pinaglalaban.
 
dami mong sinabi. may EO na, kongreso nalang ang aantayin. kunti kutni lang tataaas din yan.
 
Anong EO pinagsasabi nito. Nauna kapa sa pangulo ah. .. umaasa kapa sa kongreso, tumaas man yan barya lang..
search mo nalang boy hindi mo pala alam yung linagdaan ni D30 na EO sa endo?? pinag aaralan din ng tongress yan para itaas napaka negative nito. hindi mo pwede gawing piece meal o overnight yang batas na yan.
 
ENDO po ang nilalaman ng EO hi di po pagtaas ng Sahod. Minimum wage po ang pinaguusapan dito at un ang pinupunto ko.. Kita naman po sa title.

Kung naintindihan nyo po ang nilalaman ng EO pwede nyo po ipagyabang ang pangulo.. Pero ang EO na nlagdaan nya ay wala naman pinagkaiba sa mga batas pa ng labor dati.. LOC parin ang pinagbabawal doon at hindi lahat ng porma ng contractualization.

Ang LOC po ay matagal na pinagbabawal pero bakit nalalabag ito ng mga kapitalista. Kahit na ang karamihan sa mga kontraktwal ay LOC ay hindi parin ma iregular ng kapitalista. Dahil walang PANGIL ang batas dito para sa kanila. Wala man lang parusa sa mga kapitalistang lumalabag dito. Kaya ng mga kapitalista mapasunod ang batas at ang DOLE sa pera nila..

Kung si DU30 nga sinabi na nya na hindi nya kaya mawakasan ang ENDO matapos pirmahan ang EO at pinapasa na niya sa kongreso.. Pero sa totoo lang may kapangyarihan ang EO niya kung gugustuhin talaga niya. Kung ang pangulo nga hindi kaya kongreso pa kaya?

Aasa pa kayo sa kongreso kung sila nga rin ang gumawa ng batas ng kontraktwalisasyon.. Aalisin ba nila ang Endo kung sila mismo ay kapitalista ng kompanyang nag hihire ng kontraktwal at may ari ng agency o ahente ng mga kapitLista sa bansa..

Hindi po ito nagpapakita ng pagiging negative ko. Nakukuha po ito kung maalam ka magsuri sa kalagayan ng lipunan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top