Wala kong alam na pinagkakagastusan asawa ko at sobrang napakatipid. At maniniwala ba kayo na yung isang lata ng sardinas (555) maghapon naming ulam
eto pa mga kaPHC, kapag may extra ako kinita halimbawa nagbenta ako ng bote sa junkshop pag nakita nya sa taguan ko kinukuha nya pa! Minsan tatanungin pa ako kung may extra ako at hihiramin daw muna nya(walang balikan)
Kelan lang rumaket ako sa nakaraan sea games dito sa atin at maliwanag na 70k naiwan ko after 11 days ng coverage. Walang nagbago sa lifestyle ng buhay namin kahit konti. Sa kahoy nga ako nagluluto kasi wala kami lpg
wala talaga kami pinagkakagastusan pati sa buhok namin kami-kami na lang nag-gugupitan e!
totoo po na isa lang cp namin na kung di pa ako bumili sa ukay ukay sa indonesia nung raket ko sa asian games wala kaming cp. Anak ko lang gumagamit ngayon kasi kailangan nya online schooling nya