What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Milyonaryo na kaya kami?

Status
Not open for further replies.

DiegoBigo_64

Established
Joined
Oct 23, 2020
Messages
367
Reaction
102
Age
65
Pls. help me analyze this. 64 yrs old na ako at(good thing) nagretire na ako bago magsara ang kumpanya namin (abs-cbn).
Simula nang magasawa ako lahat ng sweldo ko diretso sa misis ko pati na mga extra income ko kagaya ng mga raket ko as set designer sa studio.
Wala akong anumang bisyo kagaya ng paginom, sigarilyo, sugal at lalo na walang droga.
Hindi ako magastos sa damit kasi may uniporme kami sa trabaho.
Wala kami utang na binabayaran at may lupa at bahay na ako bago pa magasawa.
Nagtatanim ako ng mga gulay sa bakuran namin kagaya ng pechay, ampalaya, okra, kamote atbpa. na nagagamit namin sa araw-araw.
Isa lang anak namin at sa public school pa pinagaaral.
Hindi kami naghahanda ng garbo kada may birthday.
Wala kaming sasakyan kahit ano.
Isa lang cellphone namin sa bahay, yun ay nabili ko sa ukay-ukay nung bumiyahe ako sa Indonesia 2018 Asian Games (isa sa raket ko).
May internet connection naman kami kami pero laging napuputol kasi di agad nababayaran.
Ilaw at tubig namin napuputulan din kami kasi laging deliquent.
Mas madalas sa minsan wala kaming sabon, toothpaste at shampoo sa banyo.
Puro remedyo lang kami sa ulam. minsan pitas lang ng talbos ng kamote tapos isisigang ng walang kamatis at sibuyas at tig-1 inch na pork kami.
Sa almusal 2 itlog na prito sa tubig paghahatian namin.
Wala kaming gala o kain sa labas.
Bago ako magretire, 50k/month ang sweldo ko as computer graphic supervisor, plus 1 sack of rice/2 mos., subsidy sa canteen ng abs-cbn, meal allowances kapag sa labas ang trabaho, uniform, medical benefits, SSS, Pagibig etc.
Inaabot din ng halos 120k ang kada bonus ko.
May profit sharing din kami kada end of the year sa abs-cbn.
Ngayon, ng tanungin ko misis ko magkano na naipon nya ang sagot sa akin wala daw! Ibig sabihn bankrupt kami! Umaasa na lang kami ngayon sa monthly na pensyon ko sa SSS. Maliit yun kung tutuusin.
Kayo, ano sa palagay nyo?
Salamat po!
 

Game On

Addict
ts after how many years, recently ka lang nag audit kay misis mo?
 
Last edited:
1 Comment
D
DiegoBigo_64
nung una ako nagtanong mga 5 years pa kami kasal noon, ngayon hindi na ako masyado nagtatanong kasi pinagmumulan lang ng matinding away. 20 years na kami kasal at kung sususmahin kung nakaipon sya milyon na malamang. Thanks po!
 

R a i

Elite
Bweset ts, Prangkahin mo pre parang isang kahid isang tuka na yung buhay nyo marami ka naman inipon, Malaki napundar mo tapos pagdating sa Misis mo Wala na NAIPON? F*ck Ano yan lukuhan, Usisaim mo lahat pre kung ano pinaggagawa nya sa pera, mamaya may milagro nang nagaganap wala ka kaalam alam ikaw din kawawa.
 
O
Oppai-san
parang impossible ata samin nga eh papa ko lang nagbibigay income 60k-70k lang may naipon naman kami kahit kunti di na yan normal paps
 

DiegoBigo_64

Established
Wala kong alam na pinagkakagastusan asawa ko at sobrang napakatipid. At maniniwala ba kayo na yung isang lata ng sardinas (555) maghapon naming ulam
 
M
TS ang hirap ijustify po kung saan napapapunta kinita nyo... Wala po ba kayong bank account or joint account na taguan na mag asawa... Kung meron po pwede kayong magtanong sa bangko para makita nyo po mga history ng bank statements/mga transaksyones nyo doon... Nakakalungkot po kasi sa edad nyo ngayon dapat parelax relax na lang kayo sa inyong mga pinagtrabahuhan / pinagpaguran... Wala po ba kyong iba pang pensyon na pupwede nyong makuhanan pa... God Bless po sanyo TS..
 

PuzZeLsoLved

Honorary Poster
Imposible nmn na iisa lang cp nyo sa bahay At Imposible din na Di kayo magastos sa damit
 
D
DiegoBigo_64
totoo po na isa lang cp namin na kung di pa ako bumili sa ukay ukay sa indonesia nung raket ko sa asian games wala kaming cp. Anak ko lang gumagamit ngayon kasi kailangan nya online schooling nya
 
Status
Not open for further replies.

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
910
Guests online
1,847
Total visitors
2,757

Forum statistics

Threads
1,014,175
Messages
17,382,097
Members
1,486,678
Comments
688,282
Attachments
1,140,324
Profile posts
96,473
Top