What's new

Closed Mga tanong sa tulog

Status
Not open for further replies.

rayan 18

Honorary Poster
Joined
Oct 21, 2014
Posts
204
Reaction
77
Points
137
Age
30
By Dr Willie Ong

Bakit automatikong nakakatulog sa gabi?
May maraming stages ang ating pag-tulog. Nag-uumpisa tayo na gising at unti-unting maka-tutulog. Kapag gising tayo, ang utak natin ay may taglay na alpha waves. Ang ibig sabihin ay alerto tayo.
Kapag tayo ay humiga at unti-unting mag-re-relax, tutungo ang utak natin sa Stage 1 ng pagkatulog. Sa stage 1, mababawasan ang alpha waves at magkakaroon na ng theta waves kung saan babagal ang isipan.
Kung tuluy-tuloy ang ating pag-re-relax, mapupunta tayo sa stage 2, at ang pakiramdam mo ay halos tulog ka na.
Nag-aagaw ang isipan mo sa pagiging gising at tulog.
Kung susuwertehin ka at walang i-istorbo sa iyong pagtulog, aabot ka sa stage 3 at 4. Ito ang stage na ang utak ay may taglay na delta waves. Ito ang pinaka-mahimbing mong tulog, at napakasarap at maginhawa ang iyong pakiramdam sa umaga.
At huli sa lahat, mayroong pang REM stage o Rapid Eye Movement stage. Ito ang ika-limang stage kung saan tayo ay nananaginip. Napaka-linaw nitong panaginip at minsan ay hinihingal at kinakabhan ka pa.
Kaya ang payo ko: Bawasan ang pag-iisip sa gabi. I-relax ang sarili at bilangin ang iyong blessings. I-alis muna sa isipan ang problema at siguradong tulog ka.

Ps. Fan po ako ni dr. Ong at marami na syang natutulungan
 
May kalokohan na kasabihan "Mas mabuting walang tulog kesa wala ng gising-gising" hahaha. Thanks for sharing ts!.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top