Meron akong macbook dito, di naman ito kagandahan, medyo luma na pero nagagamit pa pangbrowser.
Ito yung specs.
Naninibago palang ako sa system, balak ko rin sanang idual-boot to windows (using bootcamp) pero nagaalangan ako sa storage kasi 120gb ang HDD
So ito na yung katanungan ko
1. Anong ginagamit nyong (lalo na sa mga gumagamit ng macos) IDE's esp. sa programming language katulad ng java, C#, C++, at text editor para sa HTML at CSS.
2. Magagamit ko rin ba sya sa unity like 2d games?
(advance study na rin para sa programming lessons and recall na din hahaha)
Ang VIsual Studio community Edition pwede na sa Apple so hindi mo na kailangang magdual boot. And pwede mo na rin na gamitin yun sa Web Development. Kung purely web development naman ang gagawin mo. I would suggest Visual Studio Code. Mas Lightweight siya kesa sa VS Community.