Mga dating chain smoker jan, any tips to quit paninigarilyo?

Mindset lang yan boss ang need para mawala yung craving mo sa yosi, ako mindet ko hanggang ngayon ganun parin smoker pa din 13years na. Hayz. Gusto ko sana mag quit kaso mindset talaga eh hirap kalaban. 😢
sabayan mo ako mag quit paps. pakontihan tayo ng mas smoke sa isang araw. lagyan natin ng konting pusta para mas masaya:ROFLMAO: pag mas maliit sakin gcash mo ko 20(pang yosi) vice versa. hahahaha
 
mas mganda itigil muna agd habang maaga pa, ako nga kahit napigilan ko ngaun malapit na mag 3 month stop ako , nag attempt pdin ako tumikim, pero nsa isip ko sayang pera tsaka sira ngipin mo dyan yellow teeth ang labas mo 😂
ung mga beneficial bacteria sa bibig mo pinapatay pa ng sigarilyo kaya magiging bad breath ka yan masaklap nyan
 
triny kuyan dati bumili aku ng marami, kasu parang ayaw sakin hahaha, kahit pagiinum diku magawa😅 bakit kaya?
 
marlbøø red price 8 pesos.
10 stick a day (8x10=80)
80 pesos per 1 day
(80x30=2400)
bali kung inipon ko yang 80 per day ko sa isang buwan may 2400 ako .
eguls pag tumigil 🤣
 
Hindi ako naninigarilyo, pero yung tropa ko noon candy lang at disiplina.. naalis niya sigarilyo, pero after 3yrs na hindi na kami nagsasama sa galaan gawa ng lagi na ko sa trabaho bumalik ulit siya sa bisyo.... Sanaol bumabalik
 
Kaya mo yan ts, ako nagstart manigarilyo nung 13years old ako, first year hs ako nun. Naisipan ko mag stop manigarilyo noong 2015. Ang ginawa ko nun nag walking at konting jogging tuwing umaga tapos foodtrip, pag nahahayok ako nun sa sigarilyo ang ginawa ko nun bumibili ako ng hany hanggang sa masuya ako sa tamis tapos zesto na orange. Ganun ts ginagawa ko nun para matigil ako, paglipas ng 1month parang hindi na hinahanap ng baga ko yung sigarilyo. Yun ay base sa experience ko ts. Maraming ways para maiwasan natin ang sigarilyo kung talagang ayaw na, wag tayo gumawa ng dahilan, gumawa ng paraan. Sana maiwasan mo na rin ts. Goodluck
 
I stopped from ******* when the time came I got a serious illness. I learned to respect my body and for that reason, I quit eating foods with excessive sugar on its recipes.
 
unang tanong bkit ka nga ba ng yoyosi? alamin mo kung bakit at pag alam mo na ang tunay na sagot yun ang subukan mong baguhin o tanggalin sa mga gawain mo every day...
unang step... wag kang mg stock ng sigarilyo sa bahay nyo... di k makakapag yosi pag wlang sigarilyo so kuha ka ng toothpick at gamitin mo ayon s gamit nya.... yun kasi pag yoyosi minutes lang yan so sa 3 minutes na yan na paggmit mo ng toothpick ay parang nanigarilyo ka na din.. parang i-divert mo lng yung need mo ng maisusubo mo in that amount of time..
2nd step... divert divert and divert mo lng yung need mo na mag yosi sa ibang ctivities... nasanay na kasi ang katawan mo sa kakahawak subo inhale exhale sa sigarilyo.... 3-5 minutes lng naman yan.
3rd step yung mahilig kang paniwalain ang sarili mo na isa na lng... last na ito.... yan ang wag na wag mong gagawin.....divert mo lng uli yan. kasi pag nasanay ka na naman s pa isa isa na lng last na lang sigurdo sayang lang ang oras at pagod mo sa plano mong pagtigil sa yosi..
 
update sir, after meal nlng ako nag yoyosi. 3-4 sticks a day nlng😊
hopefully next month wala na totally.
 
Back
Top