If Jesus is not the Messiah and just a Prophet, then did He lied when He said that He is the Son of God?
If Yes, then what makes your other Prophets not a liar?
If No, then why deny that He is The Son of the Living God?
eto namn ang kwentong religion ko,
Sino nga ba yung 'He' is The Son of the Living God?
Sa paniniwala at pagkaunawa ko ganito kasi yan,
Ang sanggol na iniluwal ni Maryam ay si Isa nga, o mas kilala bilang taong si Hesus, oo si Hesus ay tao pero ang espiritung (na anak ng diyos ) na pumuspos at sumasakanya mula pa ng pagkabata Niya ay diyos nga sapagkat hindi Siya nagmula sa sinapupunan ni Maria o Maryam sapagkat kailanman hindi makakapanganak ng espiritu ang isang laman lamang bagkus nagmula Ang espiritung ito mismo sa Diyos kaya nga sinasabing 'He is the Son of God', na Siya ring espiritung anyong kalapati na bumaba Kay Hesus ng maging 'tunay na born again' siya( si Hesus),
yan ay after mabautismuhan nga siya ni Juan Bautista sa ilog Jordan.
Ang bautismo nga ay ritwal ukol sa kamatayan at muling pagkabuhay o kapanganakan nga ngunit hindi sa pisikal na katawan kundi sa Espiritung nananahan sa pagkatao natin at upang magkaroon ng bagong espiritung hahalili sa espiritung inalis na sa pagkatao natin.( Born again in spirit).
Ngayon sino nga ba Ang 'He is the Son of God'?
Ang pagkaunawa ko ay 'Siya Ang Messiah--ang Espiritu ng Anak ng Diyos na bumaba mula sa Diyos at nanahan sa buong pagkatao ni Hesus.
Tandaan na noong nangangaral ang panginoong Hesus noong nasa lupa pa siya ang Salitang pinangaral niya ay nasa tinig nga ni Hesus ngunit Ang Salita mismo ay Salitang mula sa Anak ng Diyos na nasa anyong Espiritu, na Siya rin namang Salita ng Kanyang Ama na nasa langit, samakatwid ay sa Diyos nga.
Ang TINIG at ang SALITA ay nagpapatotoo ay sila nga Ang Tunay na Saksi ng Ama.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ang Tinig at Ang Salita ay magmumula sa iisang tagapagsalita, sapagkat 'Ang Salita' na higit na dakila kaysa kay Hesus ay walang hanggan nga ngunit ang tinig ng tagapagsalita ay maaring maparam tulad nga ng mga propeta at tulad ni Juan na tagabautismo na minsan rin namang naging munting tinig sa ilang noon, lahat sila'y naparam ngunit muling mabubuhay sa takdang panahon tulad ng panginoong Hesus na nauna nang binuhay sapagkat ayon sa itinakda ng Salita si Hesus ay panganay o kauna-unahan nga sa mga binuhay sa Salita at sa gawa, sa katawan at sa espiritu taglay Ang bagong espiritu at bagong katawang panlangit sa pisikal na anyo ng tao at nanahan sa tabi ng trono Diyos sa langit.