What's new

Closed Mayroon Bang “Pitong Nakamamatay na Kasalanan”?

Status
Not open for further replies.

Arlertz

Eternal Poster
Joined
Jun 13, 2019
Posts
1,138
Reaction
379
Points
324
502016205_univ_lsr_xl.jpg


ANG SAGOT NG BIBLIYA

Hindi sinasabi sa Bibliya na may espesipikong “pitong nakamamatay na kasalanan.” Pero itinuturo nito na ang taong patuloy na gumagawa ng malulubhang kasalanan ay hindi maliligtas. Halimbawa, tinutukoy ng Bibliya ang malulubhang kasalanang gaya ng seksuwal na imoralidad, idolatriya, espiritismo, mga silakbo ng galit, at paglalasing bilang “mga gawa ng laman.” Pagkatapos ay sinabi nito: “Yaong mga nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.footnote)

(*footnote - Hindi kasama sa listahan ng 15 malulubhang kasalanan na binanggit sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang lahat ng kasalanan, dahil matapos banggitin ang mga ito, idinagdag pa ng Bibliya ang pananalitang “at mga bagay na tulad ng mga ito.” Kaya hinihimok ang mambabasa na gamitin ang kaniyang pang-unawa para kilalanin ang mga bagay na wala sa listahan pero “tulad ng mga ito.” )


HINDI BA'T MAY BINABANGGIT SA BIBLIYA NA 'PITONG BAGAY NA KASUKLAM-SUKLAM SA PANGINOON'?

Mayroon. Ayon sa King James Version, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Ang anim na bagay na ito ay kinapopootan ng Panginoon: oo, pito ang kasuklam-suklam sa kaniya.” Pero ang kasunod na listahan ng mga kasalanan sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay hindi maituturing na kumpleto. Sa halip, inilalarawan nito ang pangunahing mga kategorya na kumakatawan sa lahat ng uri ng masasamang gawa, sa isip man, sa salita, o sa gawa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.footnote)

(*footnote - Ginamit sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang isang idyomang Hebreo kung saan idiniriin ang ikalawang bilang sa pamamagitan ng paghahambing sa sinundang bilang. Ang anyong ito ng pananalita ay madalas lumitaw sa Kasulatan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..)



ANO ANG KAHULUGAN NG PANANALITANG "KASALANANG NAKAMAMATAY"?

Ang pananalitang ito ay ginamit ng ilang salin sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Halimbawa, mababasa sa The New American Bible: “May kasalanang nakamamatay.” Ang pananalitang isinalin na “kasalanang nakamamatay” ay maaari ding isalin na “kasalanan na ikamamatay.” Ano ang pagkakaiba ng “kasalanan na ikamamatay” at ng “kasalanan na hindi ikamamatay”?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Maliwanag na sinasabi ng Bibliya na lahat ng kasalanan ay umaakay patungo sa kamatayan. Pero maaari tayong iligtas mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ang “kasalanan na ikamamatay” ay kasalanang hindi saklaw ng pantubos ni Kristo. Ang taong gumagawa ng ganitong uri ng kasalanan ay determinadong magpatuloy sa makasalanang landasin anupat hinding-hindi niya babaguhin ang kaniyang saloobin o paggawi. Tinutukoy rin ng Bibliya ang gayong kasalanan bilang isa na “hindi mapatatawad.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


SAAN NANGGALING ANG LISTAHAN NG PITONG NAKAMAMATAY NA KASALANAN?
Ang “pitong nakamamatay na kasalanan” ay orihinal na ibinatay sa isang listahan ng walong pangunahing masasamang gawa. Ang listahang ito ay binuo noong ikaapat na siglo C.E. ng mistikong si Evagrius Ponticus, at ang mga akda niya ay nakaimpluwensiya sa mga isinulat ng monghe at asetiko na si John Cassian. Noong ikaanim na siglo, binago ni Pope Gregory I ang listahan ni Cassian ng walong masasamang gawa at ginawa itong pitong nakamamatay o pangunahing kasalanan ayon sa teolohiyang Romano Katoliko: pagmamapuri, kasakiman, labis na seksuwal na pagnanasa, inggit, katakawan, galit, at katamaran. Itinuring ni Gregory ang mga ito bilang pangunahing mga kasalanan dahil pinagmumulan ang mga ito ng maraming iba pang kasalanan.


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top