Post ko na nga lng dito
Bakit ako kumbinsido na Saksi ni Jehovah ang tunay na religion?
1.
Jehovah's Witnesses is an International Brotherhood.
Ilang lupain o mga bansa mayroong mga saksi?
240 na mga lupain. Mas marami iyan kumpara sa United Nations na may 193 na mga bansa lamang na kabilang.
Ilang mga wika ang pinapangaralan namin?
Mahigit 1,000 wika na at nadaragdagan pa.
Hindi kayang gawin yan kahit ng pinakamaimpluwensyang tao na si Elon Musk or kahit ng pinakakilalang mga kompanya like Google, Microsoft, or kahit United Nations. Tanging Saksi ni Jehovah lang ang nakagawa ng bagay na yan.
Naniniwala kami na dahil sa patnubay ng espiritu ni Jehovah kung kaya nagawa namin ito. At naniniwala ako na katuparan ito mismo ng sinasabi ng Bible sa Apocalipsis 7:9
Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman!
Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.
Hindi sa iniyayabang ko ang bagay na ito pero kami lang ang tanging religion na napagkaisa ang 240 na mga bansa, kung saan ang wika na pinapangaralan ay nasa 1,000 wika. Samantalang, ang United Nations ay nasa 193 na mga bansa lang, pero, ang mga bansang kabilang dito ay nagkakaroon din ng conflict sa isa't-isa.
2.
Sila lang ang tanging organization na masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa ngayon. Katunayan, ang kanilang gawain ay umabot na sa halos 240 na mga lupain. Kahit na pagsalitaan kami ng masama, insultuhin, pagtripan pa nga ng mga tao, akusahan ng kung anu anong mga bagay, nagpapatuloy pa din kami sa pangangaral at binabalikan pa nga ang mga tao kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa amin ng mga ito. Mahal namin ang mga tao kaya gusto namin silang mapangaralan sa abot ng aming makakaya kahit na ang iba ay hindi nagpapahalaga sa mensaheng ipinapangaral namin.
Katuparan din iyan ng sinasabi ng Bible sa Mateo 24:14
"
Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito
tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”
Tinutularan namin ang unang-siglong mga Kristiyano na nangaral din tungkol sa Kaharian ng Diyos
“Nakisalamuha ako sa inyo
habang nangangaral tungkol sa Kaharian. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli" (Gawa 20:25)
" Siya'y buong tapang at
malayang nangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo." (Gawa 28:31)
Kaya ang pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos ang isa sa pagkakakilanlan ng tunay na mga tagasunod ni Jesus. Ang ibang religion, kapag tinanong mo about sa ano ang mensahe na dala dala nila, sasabihin lang nila,
"about sa word of God or teachings ni Jesus Christ" pero ang totoo, may paksa na ipapangaral ang mga tagasunod ni Jesus sa buong lupa bago dumating ang wakas, at ito ay ang Kaharian ng Diyos, gaya ng sinabi niya sa Mateo 24:14.
3. Ang King James Version na kinikilala ng karamihan bilang ang pinaka-accurate na salin ng Bible, ay nirebisa (ni-revised) noong 2011 bilang pag-alala sa ika-400 years. At ano ang ginawa nila?
Ibinalik nila ang pangalan ng Diyos, "Jehovah", na lumitaw nang mahigit 7,000 beses sa Bible. Hindi mga saksi ang nagpublish ng Revised version na iyon pero naniniwala sila na ang banal na pangalan ng Diyos ay "Jehovah", at na dapat maibalik ang pangalang iyan sa mga teksto kung saan ito nakasulat.
Kaya, maging sila man ay naniniwala na tamang gamitin ang pangalan ng Diyos na Jehova sa Bible. Kaya, mali ba ang mga Saksi sa ginawa namin na pagbalik ng pangalan ng Diyos sa Bible? Hindi. Dahil ang kinikilala ng karamihan na Authorized version ng Bible, at sinasabing most accurate Bible translation na King James, ay naniniwala na dapat lang ibalik ang pangalan ng Diyos sa Bible.
4.
Neutral ang mga Saksi pagdating sa politics at sa mga issue sa mundong ito.
Kung mapagmasid ka, mapapansin mo na
karamihan ng religion ngayon ay nakikisangkot sa politika at iniimpluwensiyahan pa nga ang mga miyembro nito na iboto kung sino ang dapat na mamahala or ihalal.
Pero, gaya ng sinabi ni Jesus, ang mga tunay na Kristiyano na sumusunod sa kaniya ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.
"Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan." (Juan 17:16)
“Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” (Juan 18:36)
Tulad ng mga ambassador na hindi nakikialam sa political issues ng bansa kung saan sila naroon, hindi rin nakikialam sa politika ang tunay na mga Kristiyano sa ngayon, dahil ang sinusuportahan naming pamamahala ay walang iba kundi ang Kaharian lamang ng Diyos.
Kaya, ano ang resulta ng paninindigan namin sa bagay na iyan? Pinag-usig kami at itinuring na iba. Katunayan, sa Russia, ang gawain at mga pasilidad na ginagamit ng mga Saksi doon ay kinumpiska. Itinuring kami bilang mga extremista, o sa ibang salita, mga terorista na sumasalungat o lumalaban pa nga sa gobyerno.
Gaya din ng isinulat ni Pablo,
"Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay
daranas ng mga pag-uusig." (2 Timoteo 3:12)
Pero, sa bagay na iyan, lumaban ba kami? Gumamit ba ng dahas ang mga Saksi sa desisyong iyon na i-ban ang mga Saksi ni Jehovah sa Russia? Hindi, kundi ipinapanalangin pa nga namin ang mga tagapamahala na sana ay magkaroon sila ng patas na paikitungo sa aming mga kapatid.
Mateo 5:44,
"Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at
ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo."
Bilang karagdagan puwede mo ring itanong sa sarili mo,
"Sa religion ba na kinauugnayan ko, pinag-uusig din ba ako ng mga tao?"
Compare mo yan ngayon sa ibang religion. Nung may itiniwalag na miyembro ng isang kilalang religion dito sa Pilipinas at nagsabi na mayroong anomalya sa kaniyang dating religion, ano ang ginawa ng mga miyembro ng religion na iyon?
Hindi ba't nagrally sila? Nag-ingay at nagdulot pa nga ng trapiko?
Ganyang pagkakaisa ba ang gusto ni Jesus sa kaniyang tunay na mga alagad?
Subukan mong panoorin ang video na ito tungkol sa komento ng isang Chief of police about sa experience niya nung nagkaroon ng internasyonal convention ang mga Saksi sa Pasay, sa Mall of Asia.
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.. YøùTùbé. com/ watch?v=pQ1d3-aSQ5E
5.
Tanging Saksi ni Jehovah lang ang hindi nagbababa ng standards pagdating sa standard ng pagsamba.
Halimbawa, hindi nila sinasang-ayunan ang pagkakaroon ng mga miyembro na homosexual at hindi rin nila binabautismuhan ang mga maglive in partner or hindi kasal. Itinitiwalag nila ang mga miyembro na nakagawa ng imoralidad or ng mga bagay na lumalabag sa prinsipyo ng Bible at hindi ito hinahayaang manatili sa kanilang kongregasyon upang hindi makaimpluwensiya sa iba pang mga miyembro.
(May mga kaayusan pagdating sa panunumbalik ng isang tao para makabalik siya ulit sa kongregasyon)
---
Kaya, ang tunay na religion ay hindi lang sa dami ng mga taong kabilang sa religion, pansinin mo kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa tunay at huwad na mga mananamba
Mateo 7:16
"Makikilala ninyo sila sa mga bunga nila."
Kung familiar ka sa kasabihan,
kung anong puno, siya ring bunga. Applicable iyan pgdating sa tunay at huwad na pagsamba.
Kung tunay ang religion ng isang tao, makikita mo iyon sa kanilang paggawi, pagkilos at pananalita, o sa ibang salita, sa paraan ng kanilang pamumuhay. Pero kung huwad na religion ang kinabibilangan ng isang tao, makikita mo iyon sa pamumuhay nila.
..
Kaya eto ang tanong ko sa'yo or kahit sa ibang mga reader ng thread na ito:
1. May kilala pa ba kayong ibang religion na nangangaral
nang boluntaryo sa mahigit na 240 na mga lupain at mga bansa, at nagsisikap mangaral sa mga tao sa mahigit 1,000 na mga wika, at nagtatranslate ng Bibliya or salig-Bibliyang mga publikasyon nang bountaryo lamang? (Apocalipsis 7:9)
2. Anong religion ang kilala mong nangangaral ng Kaharian ng Diyos sa mahigit 240 na mga lupain at nagsisikap na paabutan ng mabuting balita ang mga tao kahit pagsalitaan sila ng masasama? (Mateo 24:14)
3. Sinong religion ang nagsisikap na ipakilala ang pangalan ng Diyos sa mga tao at gumagamit nito sa kanilang pagsamba? (Gawa 15:14)
4. Anong religion ang kilala mo na hindi nakikibahagi sa political issues? (Juan 17:16; 18:36)
5. Sinong religion ang kilala mo na hindi nagkukunsinti sa pagkakaroon ng homosexual at hindi kasal or iba pang mga gawaing hinahatulan ng Bible? Anong religion ang kilala mo na mahigpit nanghahawakan sa pamantayan ng Bible?
--
Kaya, para sa akin, ito yung nakita kong nakakakumbinsing mga dahilan kung bakit ang mga Saksi ni Jehovah ang tunay na religion.
-
Well, puwede na magcomment yung mga gustong magcomment ...