What's new

Closed May tanong ako

Status
Not open for further replies.

-Mr Bangs-

Forum Veteran
Joined
Jul 4, 2017
Posts
1,859
Reaction
2,676
Points
741
May tanong ako

Isang tanong gusto kung sagutin mo
Takot ka din ba na bumitaw ako?
Takot ka din bang sabihin ko ang salitang ito?
"Tama na. Suko na ako. Sawang-sawa na ako."
Sawa na ako kakarinig sa mga pang-iiwan mo
Bakit kay dali para sa'yo ang bitiwan ako?
Bakit kay dali para sayo sabihin ang katagang ito
"Maghiwalay na tayo."
Di mo man lang ba naisip kung gano kabigat ito?
Dahil ba alam mong di ko kaya?
Dahil ba kampante ka na di kita iiwan?
Naisip mo ba ang pwedeng mangyari?
Naisip mo ba sa pag-gawa mo nito ng paulit-ulit
Baka magsawa ako
Baka magsawa ako kakahintay na suyuin mo din ako
Baka magsawa ako sa mga ginagawa mo
Mga ginagawa mong parang gustong mawala ako
Bakit nga ba ang kampante mo?
Ba't ko pa tinanong, eh alam ko naman kung bakit.
KAMPANTE KA KASI MAHAL NA MAHAL KITA!
KAMPANTE KA KASI ALAM MONG BUHAY KITA!
KAMPANTE KA KASI DI KO KAYANG MAWALA KA!
Ang tanong, kailan kaya ito matatapos?
Hindi sa lahat ng pagkakataon mananatili ito.
Dahil baka sa isang iglap,
Sa isang pagkuraap ng iyong mata
Ang taong minamahal ka ay ayaw na.
Ang taong palaging nandyan, di mo na makita.
Ang taong minahal mo, nagsawa na.
Ang taong ito baka sobrang napagod na.
Di mo masisisi ang taong katulad ko
Pano mo ako masisisi?
Kung lahat ng ito dahil sa pinapadama mo
Mahal mo nga ba talaga ako?
Kung oo, wag ka ng magtangakang bitawan ulit ako
Baka pag gising mo isang umaga
Wala na yung taong minsang laging nandyan para sa'yo.
Wag mong bitiwan ang taong mahal mo
Ng dahil sa isang maliit na bagay na ginawa mo
Wag mo siyang bitawan kung takot kang iwan ka niya
Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon,
MAGPAPAKATANGA SIYA SA'YO
Wag mong hintayin na ikaw ay manghinayang
Wag mong hintayin na ikaw na ang iwan
Hawakan mo siya hanggat hindi pa siya nagsasawa..

544999ae-3be2-41da-ab18-e395772dd82c.gif
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 13
    Replies
  • 733
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
-Mr Bangs-

Online statistics

Members online
344
Guests online
5,583
Total visitors
5,927
Back
Top