What's new

Tutorial May Kabuluhan ba ang Buhay?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
ITO ang tanong ng napakaraming tao. Nakalulungkot, anuman ang kanilang pananaw sa buhay, marami pa rin ang nakadaramang “walang katuturan at walang kabuluhan” ang buhay nila gaya ng sinabi ng isang neurologong taga-Austria na si Viktor E. Frankl.

Bakit kaya ganiyan ang nadarama ng marami? Milyun-milyon kasi sa buong daigdig ang nasa miserable at kaawa-awang kalagayan. Nabubuhay sila sa gitna ng kahirapan, sakit, karahasan, at pang-aapi. Ang buhay nila ay talagang “lipos ng kaligaligan,” gaya ng sinabi ni Job tungkol sa pagdurusa ng tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang iniisip nila ay kung paano makararaos sa araw-araw.

Milyun-milyon din naman ang nagtatamasa ng materyal na kaalwanan. Parang nasa kanila na ang lahat para masiyahan sa buhay. Pero marami pa rin sa kanila ang hindi masaya. Bakit kaya? Dahil nakararanas pa rin sila ng “kabagabagan at nakasasakit na mga bagay”—di-inaasahang problema sa pinansiyal o trahedya, gaya ng pagkamatay ng anak—na sumisira sa kanilang pag-asa at mga pangarap.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

May isa pang dahilan kung bakit ang mga tao ay nakadaramang “walang katuturan at walang kabuluhan” ang kanilang buhay. Ano ito? Napakaikli ng ating buhay. Para sa marami, hindi ito makatuwiran dahil napakaraming magagandang bagay na magagawa ang mga tao sa kanilang buhay. Hindi nila matanggap ang masakit na katotohanang kahit hindi tayo dumanas ng mga trahedya, mamamatay pa rin tayo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mananatili Bang Parang Walang Kabuluhan ang Buhay?

Napakalinaw ng paglalarawan ni Haring Solomon ng sinaunang Israel sa kalagayan ng buhay ng mga tao. Nakita niya kung paanong nagpagal ang mga tao noong panahon niya gamit ang kanilang talento at kakayahan sa pagtatanim, pagbubungkal ng lupa, pagtatayo, at pagtataguyod ng kanilang pamilya, gaya ng ginagawa natin sa ngayon. Kaya naman sa wari ay naitanong niya, ‘Para saan ang lahat ng ito?’ Bilang konklusyon, sinabi niya na ang lahat ng ginagawa ng mga tao ay “walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pero naniniwala ba si Haring Solomon na mananatiling “walang kabuluhan at paghahabol sa hangin” ang lahat ng ginagawa ng tao? Hindi naman. Sinasabi lang niya ang talagang nangyayari sa buhay ng mga tao sa di-perpektong daigdig na ito. Gayunman, sa tulong ng Salita ng Diyos, makapagtitiwala kang hindi mananatiling ganito ang ating buhay!
 
May kabuluhan ang ating buhay lalo na kapag mayroon tayong Dios sa ating puso. Alam naman natin na ang ating buhay ay hiram lamang sa Dios at ito ay napakahalaga. Dapat natin itong pangalagaan at gamitin sa tamang gawain. Wala tayong karapatan na tapusin ang ating buhay sapagkat ang Dios lamang ang maaring kumaha nito sa atin. Kaya habang tayo ay nabubuhay tayo mismo ang magbigay kabuluhan sa ating buhay. Gugulin natin ang ating oras at panahon sa ating pamilya at kaibigan. Pangalagaan natin ang ating sarili. Higit sa lahat, tayo ay magsimba para bigyang pugay ang ating Panginoon. Pasalamatan natin siya araw-araw na tayo ay buhay at malusog na kasama ang mga mahal natin sa buhay.
 

Similar threads

Back
Top