What's new

May Doubt Ba o May Pagdududa Ba ang Diyos sa Perpektong mga Tao na Nilikha Niya Kung Kaya Inilagay Niya ang Puno na Ipinagbawal Niya?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
May Doubt Ba o May Pagdududa Ba ang Diyos sa Perpektong mga Tao na Nilikha Niya Kung Kaya Inilagay Niya ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Gitna ng Hardin ng Eden?

Ang sagot ay wala. Gaya ng sinasabi ng Genesis 1:31, nilikha Niya ang lahat ng bagay na "napakabuti'.

Sinasabi din ng Deuteronomio 32:4

“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan,
mga gawa niya'y walang kapintasan,
mga pasya niya'y pawang makatarungan;
siya'y Diyos na tapat at makatuwiran."

Kaya, ipinakikita lamang nito na ang lahat ng ginawa ng Diyos ay 'walang kapintasan', oo, 'napakabuti.'

Ang paglalagay ba ng Diyos ng puno ng pagkakilala ng mabuti at masama sa gitna ng hardin ay nagpapakita na nagdududa siya sa kaniyang 'walang kapintasan' na mga nilikha?

Hindi. Tandaan na ang punong iyon ay kumakatawan sa karapatan ng Diyos na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama. Bilang Maylalang, nagtitiwala ang Diyos sa kaniyang mga nilikha na gagamitin nila ang kaniyang kalayaang magpasiya sa tamang paraan.

Pero bakit pa kasi iyon inilagay ng Diyos doon? Puwede namang wala na lang ganoon, hindi ba? Hindi na ba masusunod ng mga tao ang Diyos kung wala no'n? Hindi na ba nila maipapakita ang kanilang pagsunod at pag-ibig sa Diyos kung wala ang puno na iyon?

Magandang tanong ang mga iyan. Pero para maunawaan ang punto, isipin ang halimbawang ito at ang mga ibabangong tanong may kinalaman dito:

Halimbawang isa kang guro, ang tanong, paano masasabing naiintindihan talaga ng mga estudyante mo na nauunawaan nila ang itinuturo mo, kung sa Test na Multiple Choice ay puro tama ang sagot na inilagay mo?

Makatuwiran namang isipin na magtuturo ka ng tama sa mga estudyante mo, hindi ba? Pero upang makita kung lubos nilang nauunawaan ang itinuturo mo, malamang na magbibigay ka ng test sa kanila, kung saan malaya silang makakapili. Multiple choice, wika nga, kung saan mayroong 'tama' at 'mali' sa pagpipilian.

Pero paano nila mauunawaan na "mali" ang sagot nila sa test kung lahat ng choices doon ay puro "tama"? Na-gets mo ba?

Sa katulad na paraan, ang punong iyon, bagaman kumakatawan sa karapatan ng Diyos na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama, ginamit din iyon ng Diyos upang magturo sa unang mag-asawa na malaman kung ano ang "tama" at kung ano ang "mali" ayon sa pamantayan ng Diyos. Kung wala ang puno na iyon, paano nila malalaman ang kaibahan ng 'tama' at 'mali'? Kung saan ang 'tama' ay tumutukoy sa lubusang pagsunod sa Diyos at magdudulot sa kanila na 'patuloy na mabuhay na walang kamatayan', at ang 'mali' ay tumutukoy naman sa kusa nilang pagsuway sa Diyos, na magdudulot naman ng kamatayan.

It's a multiple choice. Pero sa kaso nang unang mag-asawa, 'buhay' at 'kamatayan' ang nasasangkot. Ang kanilang 'buhay' ay nakasalalay sa kanilang pagpili ng 'tama', ito ay ang lubusang pagsunod sa utos ng Diyos - ang huwag kainin ang bunga ng ipinagbabawal na puno. 'Kamatayan' naman, ito yung 'mali', ang pagsuway nila sa utos ng Diyos - ang pagkain ng bunga ng ipinagbabawal na puno.

May ideya naman na ng pagsunod ang unang mag-asawa. Dahil, nabanggit na sa kanila ng Diyos ang kaniyang layunin para sa kanila at inutusan na silang magparami at alagaan ang mga hayop at sakahin ang lupa. Ang gagawin na lang nila ay sundin ang mga iyon.

Pero upang malaman na ang kanilang kalayaang magpasiya ay gagamitin nila sa tama, naglagay ang Diyos ng puno sa gitna ng hardin para magturo sa kanila kung ano ang 'tama' at kung ano ang 'mali' sa paningin ng Diyos, kung paanong ang guro ay naglalagay ng 'tama' at 'mali' na kasagutan sa isang test na multiple choice.

Sa kabilang banda naman, may ideya na sila sa 'kamatayan', dahil ang mga hayop noon ay hindi naman nilalang para mabuhay ng walang hanggan. Kaya, malamang na sa paglipas ng panahon, nakita nila na ang mga hayop at insekto ay namamatay. Pero, hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa 'kamatayan' mismo.

Kaya, ano ang magiging konklusyon sa tinatalakay nating ito?

Hindi nagdududa ang Diyos sa kaniyang perpektong mga nilikha. Bagkus, inilagay niya lamang ang 'buhay' at 'kamatayan' sa harap ng kaniyang perpektong mga nilalang upang makita kung paano nila gagamitin ang kalayaang magpasiya na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Gaya rin ng binanggit ng Diyos noon sa mga Israelita,

Saksi ang langit at lupa sa gagawin ninyo. Binigyan ko kayo ng pagpipilian: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin ninyo ang buhay para manatili kayong buháy, kayo at ang mga inapo ninyo. (Deuteronomio 30:19)

Oo, ang gusto ng Diyos para sa mga tao ay ang mabuhay sila - ang gamitin ang kanilang kalayaang magpasiya sa tama at piliin ang buhay, sa halip na ang mali, na magdudulot sa kanila, sa bandang huli, ng kamatayan.

Pero baka maitanong mo, sino ba ang makikinabang sa paglalagay ng Diyos ng gayong puno sa hardin?

Sasagutin ang tanong na iyan sa susunod na mga thread.

Para sa karagdagang impormasyon:

Bakit Nga Ba Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?
https://phcorner.net/threads/bakit-...g-mabuti-at-masama-sa-hardin-ng-eden.1108224/

Bakit Hindi Agad Pinuksa ng Diyos si Satanas? Part 1
https://phcorner.net/threads/bakit-hindi-agad-pinuksa-ng-diyos-si-satanas-part-1.1112357/

 
Ts diba nga dahil sa kinain nga nila yung bunga ng puno, nagalit ang diyos at dahil nalaman Nila ang Tama at mali sa pagkain ng bunga, dun na nga start mamatay ang tao. Pano mo nasabi na gusto ituro ng diyos yan e nagalit nga dahil kinain nga Nila, tapos nalaman nila na sila ay hubo at hùbád. Dun nagka hint ang diyos dahil nga nalaman pa nga Nila na hùbád sila. Pero kung Hindi Nila alam ang Tama at mali bakit hinayaan ng diyos na hùbád sila.?
 
Para ganito ba yan

Yung anak mo naka hùbád, bago ka umalis ng bahay sabi mo anak huwag mo basahin yung nakasulat sa libro aalis muna ako mamalengke ako ha.

Pagbalik mo nakabihis na sya may damit na at salawal, sabi mo anak binasa mo ba yung libro? Tapos sabi ng anak mo, Opo papa nakasulat dun Hindi tamang naka hùbád, mali po Yun, alam ko na po papa ang Tama at mali.
 

Similar threads

Back
Top