What's new

May Asawa siya May Jowa ako.

Bata pa kasi kayo at mainit kaya ganyan in my own experience malaking problems yan be a man take responsibility to your family
 
Parehas naman nila gnusto ni ts kung mahuhuli sila mahuhuli sila pero habang d pa nahuhuli enjoyin muna nila syempre tkim tikim din ng ibang putahe wag puro adobo diba ts. Dyan mo mlalaman kung kayo talaga ng jowa mo ts.
 
kaya mo ba masikmura na makita nasisira ang pamilya ng iba kaya mo ba marinig ang iyak ng mga bata at ng kanyang kinakasama kung ganoon ay gawin mong madali ang inyong kagustuhan at narito isang kahatulan ang papariyan saiyo tulad ng bagyo na sumisira ng tahanan at pagkatao.
 
Trust your instinct and self. Tama yung iniisip ng utak mo mali yang ginagawa ng puso mo sa sitwasyong yan. At isipin mo to, pano pag nahuli kayo at may nagsumbong o yung gf mo mismo yung nakakita? Masisira yung imahe ng babae na may asawa, reputasyon niya, masisira pamilya nila lalong-lalo na yung magiging anak nila at yun ang magiging kawawa in short sisirain mo lang yung pamilya ng iba. Hindi lang yan kundi baka pagtsismosahan ka diyan na babaero ka pala at higit sa lahat kawawa rin yung babae na minahal mo o yung gf mo talaga tapos masisisra pa yung relasyon mo. Isang mali lang yan pero pag nabuking ka, napakalaking kapalit yan.
Sa tingin ko rin hindi yan pagmamahal yung nangyayari sa sitwasyon mo ngayon, stop that habit bruv.
Wag mo ipagpalit yung pagkatao, dangal mo sa bagay na panandalian lang at makakasira sa lahat ng meron ka kinabukasan.
 
Di tayo malinis lahat. Pero matakot ka nlng sa Dyos. Alam mo ang kasalanan sa hindi. Kung gagawa ka ng mali, hindi mo na mababago yun. Wag ka gumawa ng bagay na pwede mo pagsisihan sa huli.
 
dun pa lang sa alam mong mali dapat alam mo na kung ano gagawin, kung balak mo magkaroon ng maayos na pamilya, be loyal, kung ayaw mong makasira ng ibang pamilya, mas maganda kung iiwasan ka, di naman yan basta basta mafafall ng walang dahilan e
 
may nangyari naba sa inyo? kase madaling mangyari yan kung gusto nyo ang isat isa, kung mayron man itigil nyo na habang maaga pa para hindi na lumamin pa yong nararamdaman nyo.. masakit yan pag sayo ginawa ts, kaya wag mo ng gawin sa iba
 
Napaka hirap ng sitwasyon mo. Minsan ang mali nagiging tama sa damdamin natin.
alam mo ang tukso. lalung nagpipipgil lalu kng madedemonyo.
Anws, andyan n yan eh. pagusapan nyo muna yung pros and cons. kailangan nyo maging open sa ista isa.
Para parehas kyong makpg ingat. hindi sa tinotolerate kita. lalake din ako at d ako impokrito.
Kunin mo n ang gusto mo and then set a limitation. hindi pwedeng magtagal ang nraramdaman nyo para sa isat isa.
Pero okay n yung atleast naranasan mo. Minsan sa buhay mo may nadaan kng ganon. Hindi mo n yon makakalimutan pa.
 
GOODLUCK na lang sayo ts.
hahaha

naway magbago na lahat ng katulad mo ng hindi na mapunta sa paghihimas ng bakal at pag pahid ng petrolium jelly.

isa lang pipiliin mo.
sa tama o sa mali.
😂😂😂
 
Hindi fair sa partner nyo. Gusto mo ba maging fair? hehe mag work din ang asawa mo at aswa nya sa 1 company. tapos maging sila din. Para fair na kau hahaha
 

Similar threads

Back
Top