What's new

Nagloloko ang asawa ko

benkulot

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 4, 2018
Posts
700
Reaction
4,869
Points
750
Wala akong malapitan mga idol,nasa point na ako ngayon na gusto ko nang sumabog sa sobra kong galit.

Nahuli ko kasi mga idol yung asawa kong babae na nakikipaglandian sa isang app, rason pa sakin hindi naman niya identity gamit niya. May anak na kami mga idol kaya ngayon andito parin ako dahil sa mga anak namin.

Ano dapat kong gawin idol, hindi ko naman deserve ito naging loyal ako simula umpisa,binigay ko lahat di naman kami nagkulang kung usapang needs sa pamilya.
 
Grabe naman yan boss, ask mo nga asawa mo kung ano maramdaman nya kung ikaw ang gagawa ng ganyan. Kelangan ayusin mo na yan habang maaga pa bago pa lumalim yun ugnayan nila nung kalandian nya, dyan kasi nag sisimula ang lahat sa landian. Pero kahit ano mangyari wag na wag mo sasaktan physically yan asawa mo.
 
Ayusin mo kaya mo yan ayoko matulad ka sa akin noon. Nagyonnok na ako haha. Prangkahan idol pero mahinahon lang mag salita ask mo lahat ng tanong sabihin mo open kayo sa usapan kc about family na yan
 
Boss naniniwala ako sa iyo dapat maniwala ka muna na maaayos pa yan. Ligawan mo ulit ang asawa mo, kung gusto mo magpretend ka na kalandian nya.
 
Eto yung sinasabing dadaan kayo sa boring stage tapos yung nag eexplore na yung partner mo ng kung ano ano , pag ganyan ang partner mo di ka bibigyan ng peace of mind nyan .
 
di naman siguro magkaka ganyan kung binibigyan mo lage ng atensyon asawa mo .
Depende din yan, pag Kasama mo na Kasi sa iisang Bahay Ang tao, don na kayo magkakasawaan, parang mga kapatid lng natin na araw araw nating Kasama sa bahay kaya minsan nakakabweset na pero wla tayong choice Kasi kapatid natin eh, Hindi natin sila pwedeng palitan😅
 
may ganyang talagang stage sa isang relasyon, jan pumasok sa isip ko mag loko dahil walang bago, paulit ulit nlng, pero nalampasan ko yan, inisip ko ung mga anak ko at dahilan kung bakit ko minahal ung asawa ko, kaya paminsan minsan, nilalabas ko ang asawa ko, pinararamdam ko ung mga time na nililigawan ko pa xa at binabalikan ko ung mga ibang places na pinuntahan namin. time, effort, & communication is the key.

sa part mo kailangan kausapin mo muna ung asawa mo, pag dimo kasi inagapan yan, baka wag naman sana, pag gising mo wala na sa tabi mo yan, at lumipad na kung saan at tangay o hindi ang mga anak mo.
 
Papsi same naramdaman ko yan, di makatulog may galit na parang gusto mo mag wala, peru yung sa akin inisip ko mga anak ko. Ayaw ko rin mag bigti para lang sa babae na hindi dapat aksayahan pa ng panahon anak nalang uunahin.

Ngayon ok naman ako may dalawang anak kami. Peru may communication parin hanggang ngayon dahil sa mga bata at yung bago niya naging ka closed ko na rin, peru di naiiwasan siya naman nag seselos ahaha. Kasal narin naman sila.

Importante di ka nakaga ng kasalanan dahil di ka nag padala sa emotion, puot at sakit.
Malalampasan rin yan papsi.
Hayaan mo kung saan gusto niya after 2-3months makikipag-usap yan sayo na pwd mag balikan kayo ahha.
Peru wag mo na tanggapinkasi nalagpasan mo na ang sakit na idulot niya sayo.

Yan kasi nangyari sakin.
 
Stay strong Lodi cakes, mahirap yan kuys lalot na basag yung trust mo, pero nasayo parin kung mag stay kapo papsi.

Kawawa ang bata kasi di pa nya ma gets.
 
Depende din yan, pag Kasama mo na Kasi sa iisang Bahay Ang tao, don na kayo magkakasawaan, parang mga kapatid lng natin na araw araw nating Kasama sa bahay kaya minsan nakakabweset na pero wla tayong choice Kasi kapatid natin eh, Hindi natin sila pwedeng palitan😅
nasa compatibility tlaga kaya kung maghahanap ng mkakasama cguraduhin na sakto sa ugali or mag live in muna bgo kasal . yung mga bata kasi mag susuffer eh
 
baka wala kang pera kaya ganyan hanap ka n lng ng bagong asawa
masakit man pero totoo to.

may work ka ba TS? bakit si Misis ang ang nasa trabaho?
ika nga ng iba, kahit ang asawa ko sinabi to sakin kahit pabiro pero masakit, pag ang babae ang gumagawa ng pera, anong silbi pa daw ng mga lalake. haizzzz pain.
 
masakit man pero totoo to.

may work ka ba TS? bakit si Misis ang ang nasa trabaho?
ika nga ng iba, kahit ang asawa ko sinabi to sakin kahit pabiro pero masakit, pag ang babae ang gumagawa ng pera, anong silbi pa daw ng mga lalake. haizzzz pain.
Naranasan ko na magloko ung asawa ko nung una . nag move on n lng ako at naghanap ng bago ngayon maayos n ung buhay ko nasakin pa ung mga anak namin
 
dali na kasi ngayon mag hanap ng kalandian sa social media sa una parang wala lang tas ayun nasisiryoso na pala sa kachat or mga nakaka usap siguro nag simula lang din yan sa biruan hanggang nauwi na sa pag loloko.ngayon alam nya na na alam mo yung ginagawa nya at di parin sya tumitigil aba patigasan na ng muka yan diretchuhin mo na pag di parin nag papigil kung kaya mo naman pansamantala manhimik hayaan mo lang sya at gumawa ka ng way para makuha mo ng pasikreto yung cp nya kung may password malala na yan talaga kasi ayaw na talaga nyan ipagamit sa iba yung cp nya kaya dun ka na magalit at ibuhos mo na lahat wag ka lang mananakit.
 

Similar threads

Back
Top