What's new

Makatarungan ba at Patas ang Kautusan ng Diyos sa Israel?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,577
Reaction
7,227
Points
2,575
SA ISANG bansa sa Kanluran, dalawang lalaki ang hinatulan ng kamatayan sa salang pagpatay, batay sa maling ebidensiya. Nang makumpirma ang pagkakamali, ginawa ng mga abogado ang lahat para mapalaya ang isa sa mga nahatulan. Pero gaano man sila kagaling, huli na ang lahat para sa isa pang lalaki—nabitay na siya.
Yamang nangyayari ang ganitong pagpilipit sa batas, hinihimok tayo ng Bibliya: “Katarungan—katarungan ang dapat mong itaguyod.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag sinusunod ito ng mga hukom, nakikinabang ang mamamayan. Ang Kautusan ng Diyos sa sinaunang Israel ay naglaan ng sistema ng batas na patas at walang kinikilingan. Suriin natin ang Kautusan para makita kung ang ‘lahat ng daan ng Diyos ay katarungan.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“MARURUNONG AT MAIINGAT AT MAKARANASANG” MGA HUKOM

Napangangalagaan ang kapakanan ng bayan kapag may kakayahan, patas, at hindi tiwali ang mga hukom. Sa Kautusan ng Diyos sa Israel, napakahalaga ng gayong mga hukom. Noong naglalakbay ang Israel sa disyerto, inutusan si Moises na humanap ng “mga lalaking may kakayahan, natatakot sa Diyos, mga lalaking mapagkakatiwalaan, napopoot sa di-tapat na pakinabang,” na magsisilbing mga hukom. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makaraan ang 40 taon, muli niyang idiniin na kailangan ang “marurunong at maiingat at makaranasang mga lalaki” na hahatol sa bayan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Makalipas ang ilang siglo, inutusan ni Haring JehosapatYou do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng Juda ang mga hukom: “Tingnan ninyo kung ano ang inyong ginagawa, sapagkat hindi kayo humahatol para sa tao kundi para kay Jehova; at siya ay sumasainyo may kinalaman sa paghatol. At ngayon ay mapasainyo nawa ang panghihilakbot kay Jehova. Mag-ingat kayo at kumilos, sapagkat kay Jehova na ating Diyos ay walang kalikuan o pagtatangi o pagtanggap ng suhol.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinaalalahanan ng hari ang mga hukom na kung mababahiran ng pagtatangi o kasakiman ang kanilang mga desisyon, pananagutin sila ng Diyos sa anumang pinsalang ibubunga nito.
Kapag sinusunod ng mga hukom ng Israel ang mataas na pamantayang ito, napangangalagaan at nagiging tiwasay ang bayan. Pero ang Kautusan ng Diyos ay mayroon ding mga simulain, o prinsipyo, na tutulong sa mga hukom na humatol nang patas kahit sa pinakamahihirap na kaso. Ano ang ilan sa mga ito?

MGA PRINSIPYO PARA SA PATAS NA PAGHATOL

Bagaman marurunong at may kakayahan ang pipiliing mga hukom, hindi sila dapat humatol batay lang sa kakayahan o talino nila. Binigyan sila ng Diyos na Jehova ng mga prinsipyo o panuntunan para makahatol nang tama. Narito ang ilan.
Gumawa ng masusing imbestigasyon. Sa pamamagitan ni Moises, tinagubilinan ng Diyos ang mga hukom sa Israel: “Kapag nagsasagawa ng isang pagdinig sa pagitan ng inyong mga kapatid, humatol kayo nang may katuwiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Magiging patas lang ang hatol kung isasaalang-alang ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaso. Kaya naman inutusan ng Diyos ang mga humahawak ng kaso: “Magsaliksik [kayo] at magsiyasat at mag-usisa nang lubusan.” Dapat tiyakin ng mga hukom na ang paratang sa isang kriminal na kaso ay “natatag bilang katotohanan” bago gumawa ng paglilitis.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Dinggin ang testimonya ng mga saksi. Napakahalaga nito sa isang imbestigasyon. Itinakda ng Kautusan ng Diyos: “Huwag titindig ang iisang saksi laban sa isang tao may kinalaman sa anumang kamalian o anumang kasalanan, tungkol sa anumang kasalanan na nagawa niya. Sa bibig ng dalawang saksi o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usapin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ito naman ang Kautusan ng Diyos sa mga saksi: “Huwag kang magsasalita ng ulat na di-totoo. Huwag kang makikipagtulungan sa balakyot sa pagiging isang saksi na nagpapakana ng karahasan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tiyaking nagsasabi ng totoo ang mga nasa pagdinig. Matindi ang parusa sa pagsisinungaling sa korte: “Ang mga hukom ay magsisiyasat nang lubusan, at kung ang saksi ay bulaang saksi at nagharap ng bulaang paratang laban sa kaniyang kapatid, gagawin din ninyo sa kaniya ang ipinakana niyang gawin sa kaniyang kapatid, at aalisin mo ang kasamaan sa gitna mo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya kapag ang isa ay nagsinungaling sa korte para makamkam ang mana ng iba, dapat siyang magbayad ng katumbas na halaga. Kapag nagsinungaling siya para mahatulan ng kamatayan ang isa na alam niyang inosente, buhay niya ang magiging kabayaran. Dahil sa mga tagubiling ito, mauudyukan ang isa na magsabi ng totoo.
Humatol nang walang kinikilingan. Kapag naisaalang-alang na ang lahat ng ebidensiya, mag-uusap ang mga hukom para makabuo ng isang pasiya. Dito papasok ang napakaimportanteng detalye ng Kautusan ng Diyos: “Huwag mong pakikitunguhan nang may pagtatangi ang maralita, at huwag mong kikilingan ang pagkatao ng isang dakila. Sa katarungan ay hahatulan mo ang iyong kasamahan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa lahat ng kaso, dapat humatol ang mga hukom batay sa kung ano ang totoo, hindi batay sa panlabas na hitsura o katayuan sa lipunan ng mga nasasangkot.
Ang mga prinsipyong ito na malinaw na binanggit noon sa Kautusan ng Diyos sa Israel, ay ginagamit pa rin ngayon sa mga hukuman. Kapag sinunod ang mga ito, maiiwasan ang maling paglilitis at di-makatarungang hatol.

Maiiwasan ang di-makatarungang hatol kapag sinunod ang mga prinsipyo sa Kautusan ng Diyos

ANG BAYAN NA NATULUNGAN NG TUNAY NA KATARUNGAN

Tinanong ni Moises ang mga Israelita: “Anong dakilang bansa ang may matuwid na mga tuntunin at mga hudisyal na pasiya na gaya ng buong kautusang ito na inilalagay ko sa harap ninyo ngayon?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Totoo, walang ibang bansa ang may gayong probisyon. Noong naghahari si Solomon, na sumunod sa mga kautusan ni Jehova mula sa pagkabata, ang bayan ay “nanahanan nang tiwasay,” payapa at sagana, at “kumakain at umiinom at nagsasaya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sayang at tinalikuran ng mga Israelita ang Diyos. Inihayag ni propeta Jeremias ang mensahe ng Diyos: “Narito! Itinakwil nila ang mismong salita ni Jehova, at anong karunungan ang taglay nila?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang maglaon, ang Jerusalem ay naging “lunsod na may pagkakasala sa dugo” na punô ng “karima-rimarim na bagay.” Nang dakong huli, nawasak ito at naging tiwangwang sa loob ng 70 taon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Nasaksihan ni propeta Isaias ang magulong kalagayan noon sa Israel. Dahil dito, nasabi niya ang katotohanang ito tungkol sa Diyos na Jehova at sa Kaniyang Kautusan: “Kapag may mga kahatulan mula sa iyo para sa lupa, katuwiran ang siyang matututuhan ng mga tumatahan sa mabungang lupain.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Laking pasasalamat ni Isaias na maihula ang tungkol sa pamamahala ng Mesiyanikong Hari, si Jesu-Kristo: “Hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Napakagandang pag-asa para sa magiging mga mamamayan ng Mesiyanikong Hari ng Kaharian ng Diyos!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang pangalang Jehosapat ay nangangahulugang “si Jehova ay Hukom.”

Pinapayagan ba ng Kautusan ng Diyos ang Paghihiganti?

Pinagtatalunan ng marami ang pananalita sa Bibliya na “mata para sa mata, ngipin para sa ngipin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Iniisip ng ilan na sinasang-ayunan ng Diyos ang pagganti. Pero salungat ito sa utos ng Diyos: “Huwag kang maghihiganti ni magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya paano natin uunawain ang pananalitang iyon na nasa Exodo?
Binabanggit ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang isang senaryo kung saan dalawang lalaki ang nag-aaway. Nasaktan ng isa sa kanila ang isang nagdadalang-tao, na napaanak nang wala sa oras. Kapag walang masamang nangyari sa mag-ina, hindi papayagang gumanti ang asawa ng babae. Sa halip, ang nakasakit ay magbibigay ng “bayad-pinsala . . . ayon sa ipapataw sa kaniya ng may-ari ng babae; at ibibigay niya iyon sa pamamagitan ng mga hukom.” Ibig sabihin, ang mga hukom ang magpapataw ng multa sa nakasakit, na ibabayad sa asawa ng nasaktan. Kapag namatay ang ina o ang sanggol, ang mga hukom pa ring iyon ang hahatol ng kamatayan sa may- sala.
Sa kasong ito, ang mga hukom, hindi ang biktima, ang maglalapat ng “kaluluwa para sa kaluluwa, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin . . . ” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Idiniriin sa mga hukom ng prinsipyong ito na hindi dapat labis ni kulang man ang kaparusahan. Ayon sa iskolar ng Bibliya na si Richard Elliott Friedman: “Lumilitaw na ang pinakasimulain ay na dapat katumbas ng krimen ang kaparusahan at hindi lampas dito.”

Saan nanggaling ang ideya na pinapayagan ng Kautusan ng Diyos ang paghihigan- ti? Pansinin ang sinabi ni Jesus sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Narinig ninyo na sinabi, ‘Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.’ Gayunman, sinasabi ko sa inyo: Huwag mong labanan siya na balakyot; kundi sinumang sumampal sa iyo sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.” Lumilitaw na noong panahon ni Jesus, isinama ng ilang guro ng relihiyon sa kanilang mga tradisyon ang ‘batas ng pagganti’ bilang lisensiya ng isa na gumanti. Pero nilinaw ni Jesus na ang turong iyon ay wala sa Kautusan ng Diyos para sa Israel.
 
Makatarungan ba at Patas ang Kautusan ng Diyos na bigyan ng natatanging pagkalinga ang Israel? Bakit hindi patas ang pagtingin sa bawat tao?
 
Back
Top