What's new

Poems Mahirap Diba?

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
26,059
Solutions
6
Reaction
66,752
Points
16,708

Nag uusap ng magdamagan,
na sa inyong dalawa tila wala ng bukas,
kahit pa patuloy ang pagtakbo ng oras,
isa't isa ay walang kapaguran
sa hatid na kwentuhan,

Lumiliwanag ang mukha at ngiti ay di mapigilan,
lalo na kapag binabanggit ang iyong pangalan,
parang may namumuong espeyal na samahan,
o baka sadyang kayo lang ay nagkakaintindihan,

Sa bawat oras mga ngiting patago,
at ang lundag nadarama ng puso,
sa tuwing mensahe nya ay iyong nababasa,
di mapigilan ang kilig na nadarama diba?

Sa mga biglaan niyang banat nasanay ka na,
at minu minuto siya lang ang laman ng isip mo,
wag ka ng magkaila,diba tama ako?

Ngunit darating din sa punto na mas lumilinaw
ang lahat,
at bigla ka na lang magugulat,
mga banat at ngiti nya sayo wala pa lang ibig sabihin,
diba tinamaan ka? masakit ba isipin?

Bawat pakikipag usap niya sa iyo,
dala lang ng lungkot at pangungulila nito,
walang malalim na dahilan o kahit ano,
yan na nga ba sinasabi ko sa iyo,

Ngunit huli na,huli na ang lahat
dahil ika'y napasakay nya sa mga pasimpleng
banat ikay napasaya,
at puso'y nahuhulog sa kanya bigla,

Dapat kasi marunong kang umintindi,
sa mga pahiwatig nya at diskarte,
ngayon magpapalinlang ka ba ulit?
at gusto mo maranasan ang sakit?
Wag mo kasi masyadong pangarapin,
ang taong mahirap abutin.







❤️~Professora Akira~❤️











 
Back
Top