What's new

Poll Magkano baon mo ng Elementary ka? 😂

pag madaming nabunot na uban sa gabi dun ako makakadami tapos baon bukas piso kada uban imbes na pagkain ibibili ng teks,goma,jolen,trumpo,tatsing na colosus na may nakapulupot na alambre o kaya bago mag pasko bibili ng watusi tapos ipapaputok sa classroom hahaha nakakamiss maging bata
 
Dipende kung may sweldo papa ko noo haha maka 5 peso pa, kung swerte 10. Malaking regalo na ang 20 hahaha. Shotout sa mga nagsasabing rich kid ako napakatipid ko lang talaga
 
Elementary 2003-2009 10-20 pesos baon ko tas pamasahe minsan lakad
2009-2013 40 pesos minsan wala pamasahe tas pag wala lakad.pero sulit nman elementary tska high school days kahit eto ngayon working hard pa rin.
 
2 pesos lodi, may baon pananghalian at maglalakad pauwi. Minsan bibili ng chichiria na may laruan sa loob.
 
5 php galing sa Nanay

sideline:
5 php minimum sa tindang papel
20 php sa tindang kalamansi
10 php sa tindang sitaw (pre order)
20 php sa tutorial ng classmate

isama mo na din yung bayad sa gagamba, jolen at lastiko.

di ko ginagastos nagbabaon ako tinapay at itlog.
Lakarin lang to and fro ang school... mga 1km lang
 
Last edited by a moderator:
2006 grade school, 5php 😂 2php for school soup (mandatory yan) halos wala aqng mabili kc nga most of my classmate 10-20php baon. 😕😑 Tapos inipon ko yung iba pambili ng gusto ko na nausong laruan, like tingga beylade 😂 minsan pagkain. Then pagtuntong ko ng HS thats was 10php to 20php depende sa kita ng magulang ko. Nung 4th year ako 2010. 20php na 😂 quek quek na hinati hating itlog mabibili mo. 😂
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top