What's new

Poll Magkano baon mo ng Elementary ka? 😂

Samin 5 pesos yung araw araw na bibigay mo 3 pesos sa soup (lugaw at sopas na walang lasa 🤣 o kaya yung peyborit ko na champorado) tapos 2 pesos sa juice na mas walang lasa. 😂
 
10PHP
-Isang Zesto
-Isang Fudgee barr/ Cheese cake
❤️❤️
Sulit na ko dun, tapos lagi kong tinitira yung 10PHP para pag uwian lilibot lang ako sa labas ng school, may mga nag titinda ng pogs, text o kaya palabunutan ng sisiw. Tas kung ano ano pang mabibiling laruan at pagkain na tig lilima😆
Miss those good old days🥰
 
Elementary - 15 (minsan wala, pero oks lang, mabait tropa ko HAHAHA)
High School - 20-30 depende.
College - 50-70.

Buti malapit lang bahay namin sa school. Tapos sunod sunod lang yon, Elementary-College
 
Nung elementary ako 5 pesos lang baon tapos nung naghighschool na 10 pesos hehe kamiss bumili chichirya dati limang piso lang yung malaki
 
piso lang baon ko dati. tapos nabibili ko pa ng maaga .tuloy tuwing recess wla akong makain , nakakainggit yung mga classmates ko.
 
2005 ako nag Kinder

Baon ko noong elementary 5 pesos lang or 10 pesos. Walking distance lang din. Yung nagpabago sa buhay ko is yung Grade 6 na ako.

Lumipat kasi kami ng bahay medyo malungkot na buhay ko simula non. Baon ko naging paiba iba kasi namamasahe na ako ng balikan. Tapos yung mga kababata ko wala silang ideya na lilipat na kami, bawal din sabihin na lilipat kasi balak namin lumipat ng paunti unti.
 
Back
Top