What's new

Lucid Dreaming and Sleep Paralysis

Try mo pag aralan yan pramis magagamit mo in real life. Dream diary, reality check, etc. Once na maadik ka baka matulog ka nalang ng matulog haha
 
I have experienced it a lot way back 2021. halos weekly nangyayari sa akin nun ang SP. di naman ako nagpanik o natakot kahit nung 1st time ko. and totoo na may black unknown image na makikita na yumayakap, humihila o dumadagan sa nakakaranas ng ganun. Ngayon di na ko nakaexperience ng ganun.
 
Ilang beses nang nangyari sa akin yang mga yan.

Nakakatakot sa una. Pero kapag alam mo nang iconvert ang sleep paralysis sa lucid dream, okay na. Magandang experience. Kontrolado mo na ang galaw mo.
 
Madalas lucid dreams di ko sure kung lahat ba nakakadanas nito kapag broken ka well simula nung broken ako madalas sakin yung lucid dreaming
 

Meron akong lucid dreaming na hindi ko malimutan. Basta one day ago na nangyari sa akin. Sobrang totoo na siya para sa akin na nahihirapan ako tanggapin na "dream state" lang pala iyon. Ang akala ko kase na nakatira na ako sa mismong sitwasyon na kinakatayuan ko pero lahat lang pala ay panaginip.

Nagising kase ako ng maaga na tipong bago mag 10:00 ng umaga. Naaantok pa kase ako and since , meron pa ako gagawin sa computer laptop ko , ang ginawa ko ay sinet-up ko ng alarm clock ng 10:00 ng umaga para magising ako. Pagkatapos , bumalik ako sa tulog.

Biglang nagring ang alarm clock ko and so , nagising ako. Pagtingin ko sa orasan ay 10:00 ng gabi. Sa loob-loob ko na kakatulog ko pa nga lang ay bakit ang bilis magring ng alarm clock ko pagkatapos ay sabi ng orasan ko ay 10:00 ng gabi. Na weirduhan ako sa self ko dahil kakatulog ko palang pagkatapos , ang aga-aga ay bigla na lang magriring ang alarm clock ko pagkatapos , 10:00 ng gabi na agad? Sa loob-loob ko na ano iyon? Matagal ba ako nakatulog at umabot ako ng 10:00 ng gabi?

And so , lumabas ako ng room ko and after ko lumabas sa room , bumaba ako sa escalator dahil magsasara na ang mall as in. Naandoon pa ang fear ko na baka masarhan ako ng mall. Nang lumabas ako ay naglakad na sa kalsada at sinusundan ko ang ibang tao na same ang direksyon na patutunguhan namin sa kalsada na unfamiliar sa akin. Hindi ko alam kung papaano ako uuwi dahil hindi ko alam kung anong lugar and then , dahil meron ako nakita na lalake na same lang din ang direksyon namin , nakisuyo ako na makisabay sa kanya dahil hindi ko alam kung papaano uuwi. Ang aim ko lang ay makakita ng jeep o sasakyan pauwi and ang kalsada na nilalakaran namin is village. Somewhat a village - parang ganun ang itsura.

Meron pa ako nakita sa tabi na tatlong lalake sa gilid ng kalsada na nagkakatuwaan. Napadaan nga kami and then , ang tatlong lalake na idinaanan namin ay bigla pa naman sumunod sa amin sa likod at hinablot ang bag ko which is sa bag ko ay meron akong wallet na meron laman pera. Gusto ko habulin para mabawi ko ang bag ko pero pinigilan ako ng lalake na huwag na lang at baka raw mapahamak ako. Hinawakan pa nga ang kamay ko para pigilan ako. Ang sama-sama ng loob ko at na iiyak na talaga ako.

Bigla uli nagring ang alarm clock ko. Nagising ako ng 10:00 na ng umaga. Sus me. Litong-lito talaga ako. Nasa kwarto lang pala ako sa mismong bahay. As in. Nakahiga lang ako sa higahan ko at isip ako ng isip na bakit na deceived ako ng alarm clock ko na ang akala ko ay nasobrahan ako ng tulog at umabot ako ng 10:00 ng gabi. Ang akala ko tuloy na nasa mall ako pero nasa bahay lang pala ako. Ang akala ko gabi na pero iyon pala ay umaga pa pala.

Hindi ako maka recover dati iyon sa kakaisip na panaginip lang pala iyon. Sobra siyang totoo. Napakalinaw lang niya as in kung kaya , ang lucid dreaming na iyon ay iyon ang hindi ko pa rin malimutan na nangyari talaga sa akin iyon.

Its like nag shift ako sa ibang reality. Parang ganun. Naniniwala ako sa lucid dreaming talaga.

 
Last edited:
madalas mangyare saken to halos sa isang linggo 2x o minsan higit pa . pero nung simula nag alaga ako ng aso tpos sa kwarto ko dn sya ntutulog nawala na di ko na ulet sya naranasan .
 
At ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil sa kaka celpon natin haha
Di rin.. nararanasan na yan ng mga tao bago pa maimbento ang celpon.

Pero admittedly, nung nangyari sakin yan Nadadagdag sa mga pagpupuyat ko yung kaka chatroom sa nokia n73 ko. Grabe tanda ko na pala. 😨
 
másáráp ang lucid dreaming para sa akin kung marunong ang tao. Ang pagkakaalam ko kase ay parang meron kilalaman sa spiritual growth o spiritual awakening when it comes to lucid dreaming and kailangan raw ng meditation which is nagkataon na associated ang meditation sa Buddhism. Ang naaalala ko tecnique para magka-lucid dreaming raw is mag-meditate muna para pakalmahin ang utak - ganun , and then , kapag nagkaroon ng peace of mind and that was the time na pwede magka-lucid dream.

Dopamine din kase siya. Yung tipong másáráp ang feeling kapag nasa lucid dream state ang tao lalo na ang na create na lucid dream state is puros positive lahat pagkatapos ay napaka-linaw ng dream lalo na kapag na create na lucid dream ay jowa natin o tipong nag-eenjoy sa disney land. Yung feeling na pagkagising ng umaga ay in-love ang kalalabasan dahil sa epekto ng dopamine. Ganun ang feeling kahit na ba single ang tao.

Advisable siya sa mga tao na nananaginip lagi ng masama dahil kapag marunong raw maglucid dream , meron abilidad ang tao o meron siyang kakayahan kontrolin ang nightmare niya into beautiful dreams dahil ang nightmare raw is reflection din natin iyon as inner self.

Isang teknik lang ang naaalala ko na kapag nananaginip ng masama raw is umikot daw. Kapag umikot ka ay magbabago raw ang scene ng dreams mismo pero nasa tao na iyon kung anong gusto dream na gagawin. Sabi din , harapin daw ang nightmare mismo. Fear kase siya. Fear within us. Kapag hinarap raw ay magbabago ang scene ng dreams.

Ako , nakakalimutan ko umikot kapag nakakatakot ang dreams ko pero effective talaga para sa akin ang pag-ikot kapag nananaginip ng masama. Nakakalimutan ko kase umikot sa sobrang takot at saka , dapat haharapin ang nightmare katulad ng dream ko dati na meron white lady sa old school and nakakatakot siya as in. Ang weird talaga ng dream ko dahil lumilitaw siya sa school and ako ang nakakakita. Talaga ang lakas ng kabog ng d(i)bdib ko. Nakakatakot pero hinarap ko talaga as in. Kinakausap-kausap ko siya , ganun , and yung feelings ko ay nawala ang takot pati ang white lady na nakakatakot ay hindi naging white lady. Naging totoong tao siya pagkatapos , ang ganda-ganda pa niya. Naging friend ko pa siya. Ayun ang result ng dream ko. Pati ang scene ng dreams ko ay nagbago na rin at naging maaliwalas.

Mahirap din ang lucid dreaming. Mahirap pero kapag expert na? másáráp , hehe 😁
 
Narasan ko tong lucid dream after ko tumigil mag kapi. At ang una kong ginawa is s3x, hahha. Pano kaya ma balik yung lucid dream nayon. Sarap mag lucid dream every night

Yung paralysis naman after namin ma nood ng the conjuring, sinakal ako ni valak, pu***** na truama hanggang ngayon
 
Nangyari na din sa akin yung akala ko nagising na ako di pa pala, ika sampong beses nga ata yun, pa balik balik yung scenario, para bang kinuha ako or inabsorb sa ilalim ng swirl na madilim. After ko ma absorb, dun ako nagigising sa panaginip ko, after ko magising, yun padin yung scenario, absorb padin > gising > absord > gising.

Tinatawag ko daw mama ko sa pintuan namin kahit di naman.

Umaga pa nga yung sleep paralysis ko hindi gabi.
 
Narasan ko tong lucid dream after ko tumigil mag kapi. At ang una kong ginawa is s3x, hahha. Pano kaya ma balik yung lucid dream nayon. Sarap mag lucid dream every night

Yung paralysis naman after namin ma nood ng the conjuring, sinakal ako ni valak, pu***** na truama hanggang ngayon

Kapag gusto mo magstay sa lucid dream at pagkatapos ay meron ka ka-seks , huwag daw masyadong excited o tipong huwag masyadong "obsessed" - parang ganun para hindi magising. Mapuputol daw kase siya. May ilan ako natutunan sa lucid dream. Ang natutunan ko sa lucid dream kase ay parang natututo tayo magkaroon ng self-control when it comes to feelings at emotions.

Katulad na lamang sa seks. Kapag sobrang "obsessed" ang tao o kapag sobrang excited lalo na kapag seks sa lucid dream , magigising talaga ang tao as in o minsan ay nag-iiba ang itsura ng ka-seks ng tao sa lucid dream. Kaya nga na meron ako nababasa na meron raw kilalaman ang lucid dream pagdating sa spirituality sapagkat kapag e-aapply ang seks in real life , e diba , kapag seks ay andoon na sobrang excited , na andoon na lose control and andoon ang obsession at maraming iba pa. Siyempre in real life , hindi tayo magigising dahil real life na siya pero ang effect kase ay harmful na. Andoon na kase ang obsession at andoon na ang sobrang attach na sa seks na parang naka-drugs na hindi mabitawan.

Sa lucid dream ay nagigising pa tayo and so kung gusto magstay sa lucid dream , huwag raw excited para hindi magising o para hindi masira ang lucid dream lalo kapag seks.

It is a reason why na mahirap maglucid dream dahil parang ang tingin ko ay kailangan ng ebalanse ang feelings at emotions ng tao kapag nasa lucid dream state. Like for example na nakagawa tayo ng fictional character in a lucid dream and then , na-in love tayo. Siyempre na kapag in-love ay minsan incline tayo ma-obsessed sa tao na in-lovean natin or andoon ang strong emotions. Nagbabago ang itsura ng tao na in-lovean natin na fictional character sa lucid dream o minsan na imbis na malinaw na malinaw talaga siya ay nagiging malabo na o minsan ay nagigising na lang tayo.

Meron na binibenta course about lucid dream. Nasubukan ko na magsubscribe at nagpapadala sila ng email sa akin kaya lang , ang mahal ng course nila about lucid dream. Wala ako pera pambili at saka kailangan ay nakatutok ang tao pero worth it naman kapag naging expert lucid dreamer na.

Imagine na araw-araw na nag-lulucid dream pagkatapos paggising ng umaga ay araw-araw feeling inspired na tipong araw-araw in-love dahil feeling good na lahat-lahat.

But ang sarap tanungin kung ano ang ginagawa nila sa lucid dream na meron sila noh? Biglang nakiusyoso hahaha.

Ako talaga ay gusto ko magkaroon ng bahay at lupa sa lucid dream pero hindi ko magawa. Iba ang lumilitaw.


 

Similar threads

Back
Top