What's new

LTO motorcycle renewal

baejanwel

Addict
Joined
Dec 28, 2015
Posts
62
Reaction
4
Points
91
Mga bossing magtatanong lang po kung paano po ang process ngayon ng renewal ng motor sa lto kelangan na kasing irenew yung sa tricycle namin, maraming salamat sa makakapansin, god bless you all!
 
[XX='baejanwel, c: 881752, m: 440180'][/XX] Punta ka daw TS, sa Munisipyo nyo tapos dun sa Municipal Regulatory Board dun ka magtanong ng process kung pano. Dito kasi samin tru app sila para makapagrenew ng franchise sa tricycle.
 
Same process lang din naman ts ang pag renew ng registration. Kung ung iniisip mo is ung MVIS (Motor Vehicle Inspection System) inform lang kita bro ndi naman sapilitan yan, nalaman ko na lang yan pag tapos ko mag undergo ng motor ko diyan. Sobrang higpit ts..heto ung mga iilang tinitignan diyan kaya check mo na if balak mo diyan.

  • Headlight (high & low)
  • Tail Light
  • Signal Light
  • Side Mirror
  • Speedometer
  • Hindi Pwede Maingay na pipe
Base lang po yan ts sa mga tinitignan sa motor ng LTO dito sa amin.

Like i said ts pag mag undergo lang ung motor mo sa MVIS ts. ako bumagsak motor ko sa lintek na yan dahil lang not working speedometer ko hehehe. Inform lang din kita pag bumagsak motor or kulang or may problema ang motor mo sa mga nabangit ko ts payo lang ayusin at check mo na lahat bago ka mag punta para mag undergo sa MVIS. daming arte ng LTO noh? Pero heto mas ok ts..pwede ka din naman sa emission test na accredited ng LTO diyan sa lugar niyo..iwas hustle pa at original or can i say kulay BLUE na resibo matatangap mo. Ung as is na resibo ng LTO. sa MVIS kasi ts bond paper lang tlaga siya..nag tanong ako asan na kako ung origianl OR. sagot sakin yang papel na yan ang original hehehe kaya i-xerox mo if ever diyan mo plana sa lintek na MVIS na yan. Isa pa pala ts wala na pong i-issue na sticker ngayon ah..kasi wala naman na tayong binayarang sticker upon renewal of registration. Kahit sa mga sasakyan wala na tlaga..ung sinasabi konh sticker is sample 2020 renew ko sa dapat 2021 na sticker bibigay..wala ng ganyang sticker. Magkano nagastos ko??? Bali 1,510.00 ang nagastos ko ts. Sana nakatulong ako sayo. God bless. =)
 
thank you boss malaking tulong po yung advice mo. ='D next nako magpaparenew eh salamat talaga ! god speed
 

Similar threads

Back
Top