What's new

Closed Likas na mga Sakuna—Katibayan ba na Malupit ang Diyos?

Status
Not open for further replies.

Arlertz

Eternal Poster
Joined
Jun 13, 2019
Posts
1,138
Reaction
379
Points
324
ANG SINASABI NG ILAN: “Ang Diyos ang namamahala sa daigdig, kung gayon, siya ang sanhi ng likas na mga sakuna; kaya malupit siya.”

ANG SINASABI NG BIBLIYA: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sino ang “isa na balakyot”? Ipinakikilala siya ng Bibliya bilang si Satanas. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mahirap bang paniwalaan iyan? Pag-isipan ito: Kung si Satanas ang may kapangyarihan sa daigdig, tiyak na iniimpluwensiyahan niya ang mga tao na maging makasarili, sakim, at makitid ang pananaw na gaya niya. Hindi ba ipinaliliwanag niyan kung bakit sinisira ng mga tao ang kanilang kapaligiran? Nagbababala ang maraming eksperto na ang gayong paninira sa kapaligiran ay maaaring may epekto sa likas na mga sakuna—puwede itong maging sanhi, magpalala ng mga ito, o gawing walang kalaban-laban ang lipunan ng tao.

Kung gayon, bakit hinahayaan ng Diyos na magkaroon ng gayon kalakas na impluwensiya si Satanas? Ang sagot ay nasa pasimula ng kasaysayan ng tao, nang magrebelde ang ating unang mga magulang sa Diyos bilang Tagapamahala. Ganiyan din ang ginawa ng karamihan sa mga tao. Dahil sa pagtanggi sa pamamahala ng Diyos, ang sanlibutan ay napasakamay ng kaaway ng Diyos, si Satanas. Kaya tinukoy ni Jesus si Satanas bilang “ang tagapamahala ng sanlibutan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mamamahala ba si Satanas magpakailanman? Hinding-hindi!

Si Jehova You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay hindi manhid sa mga pagdurusang idinudulot ni Satanas. Sa katunayan, ang Diyos ay lubhang naaapektuhan nito. Halimbawa, tungkol sa paghihirap ng bansang Israel, sinabi ng Bibliya hinggil sa Diyos: “Sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Buti na lang, malapit nang tapusin ng Diyos ang malupit na pamamahala ni Satanas! Ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay inatasan niyang maging isang makatarungan at matuwid na Hari magpakailanman.

KUNG PAANO KA NASASANGKOT: Hindi pinrotektahan ng pamamahala ni Satanas ang mga tao mula sa likas na mga sakuna, pero gagawin ito ng pamamahala ni Jesus. Minsan nang pinrotektahan ni Jesus ang kaniyang mga alagad mula sa napakalakas na bagyo. Sinasabi sa Bibliya: “Sinaway [niya] ang hangin at sinabi sa dagat: ‘Tigil! Tumahimik ka!’ At tumigil ang hangin, at nagkaroon ng lubos na katahimikan.” Sinabi ng mga alagad: “Sino nga bang talaga ito, sapagkat maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Batay sa pangyayaring iyan, makapagtitiwala tayong poprotektahan ni Jesus ang masunuring mga tao kapag namahala na siya bilang Hari.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tignan din ang sumusunod na mga tanong:

Mga Kahatulan ng Diyos—Malupit ba ang mga Ito?
Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?
Alam ba ng Diyos na Magkakasala Sina Adan at Eva?
Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 257
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Arlertz

Online statistics

Members online
1,096
Guests online
4,069
Total visitors
5,165
Back
Top