What's new

Closed Ligtas ba sa Kamatayan ang Kaluluwa?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
“KALULUWA: Ang espirituwal na bahagi ng tao na itinuturing na patuloy na nabubuhay pagkatapos ng kamatayan at maaaring dumanas ng kaligayahan o paghihirap sa isang panghinaharap na katayuan.” (The Compact Edition of the Oxford English Dictionary) Karamihan ng mga relihiyon humigit-kumulang ay sang-ayon sa ganitong kahulugan. Ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasabi: “Ang doktrina na ang kaluluwa ng tao ay walang-kamatayan at patuloy na nabubuhay pagkamatay ng taong iyon . . . ang isa sa panulukang-bato ng pilosopya at teolohiyang Kristiyano.”


Marahil magugulat ka, kung gayon, na maalamang ang panulukang-batong paniniwalang ito ay kuha sa pilosopyang pagano. Malaon pa bago ipinanganak si Jesus, may mga naniniwala na ang kaluluwa ay isang bagay na di-nakikita at maaaring umiral na hiwalay sa katawan. Sa gayo’y maaari itong makaligtas sa kamatayan pagkamatay ng katawan, at patuloy na mabuhay sa anyo ng isang multo, o espiritu.


Ang paniwalang ito ay binuo ng mga Griego nang ayon sa mga pananalita ng pilosopo. Si Socrates, ang tanyag na pilosopong Griego, ay sinipi sa kaniyang pananalita: “Ang kaluluwa, . . . kung ito’y yumayaon nang dalisay, na hindi humihila ng anumang bahagi ng katawan, . . . ay tumutungo sa isang bagay na katulad nito, tungo sa di-nakikita, dibino, walang-kamatayan, at pantas, at pagdating nito roon ay maligaya ito, nakalaya buhat sa kasalanan at kahangalan at takot . . . at lahat ng iba pang mga karamdaman ng tao, at . . . namumuhay sa katotohanan magpakailanman kapiling ng mga diyos.”—Phaedo, 80, D, E; 81, A.


Hindi Itinuturo ng Bibliya


Kung gayon, papaanong ang paganong paniniwalang ito sa pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ay nangyaring ituro sa Sangkakristiyanuhan at sa Judaismo?


Hindi gaanong pinalilitaw ng New Catholic Encyclopedia ang katotohanan nang sabihin nito: “Ang ideya na patuloy na nabubuhay ang kaluluwa pagkatapos ng kamatayan ay hindi agad makikita sa Bibliya.” Lalong wasto na sabihing ang doktrina ng pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ay wala sa Bibliya! Inaamin ng ensayklopediang iyan: “Ang ideya ng kaluluwa ng tao mismo ay hindi kapareho ng nasa M[atandang] T[ipan] di-gaya ng naroon sa Griego at modernong pilosopya.”


Sa umano’y Matandang Tipan, ang salitang Hebreo na neʹphesh, karaniwang isinaling “kaluluwa,” ay lumilitaw nang 754 beses. Sa umano’y Bagong Tipan, ang salitang Griegong psy·kheʹ, karaniwan ding isinaling “kaluluwa,” ay lumilitaw nang 102 beses. Pagka ating sinuri kung papaano ginamit sa Bibliya ang mga salitang ito, tayo’y magtataka.


Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. mababasa natin na ang mga butas ng ilong ni Adan ay hiningahan ng Diyos ng hininga ng buhay, at si Adan ay “naging isang kaluluwang buháy [Hebreo, neʹphesh].” Pansinin: si Adan ay hindi binigyan ng isang kaluluwang buháy; siya’y naging kaluluwang buháy. Sa ibang pananalita, ang bagong kalalalang na si Adan ay isang kaluluwa! Hindi nga katakataka na ganito nagtatapos ang New Catholic Encyclopedia: “Ang kaluluwa sa M[atandang] T[ipan] ay tumutukoy hindi sa pagiging bahagi ng tao, kundi sa buong tao—ang tao bilang isang nabubuhay na kinapal.”


Ang ibang mga kasulatan ay nagpapatunay nito. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., halimbawa, ay tinutukoy “ang kaluluwa na kumakain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan.” Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Sinumang kaluluwa na gumawa ng anumang uri ng gawain.” Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Kung papaano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mabuting balita na mula sa malayong lupain.” At ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi sa atin: “Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pampangaw; ang kaniyang kaluluwa ay nalagay sa mga tanikalang bakal.” Bueno, ano baga ang nakakakain ng karne, nakapagtatrabaho, napagiginhawa ng tubig, at nalalagay sa mga tanikalang bakal? Iyon ba ay isang hiwalay, espirituwal na bahagi ng tao, o iyon ang tao mismo? Maliwanag ang sagot.


Kapansin-pansin, ang pagiging isang kaluluwa ay hindi bago sa tao. Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi sa atin na sa isang panahon ng paglalang, sinabi ng Diyos: “Bukalan nang sagana ang tubig ng mga kaluluwang buháy.” Oo, kahit na ang mga isda ay mga kaluluwa! Sa isa pang panahon ng paglalang, ipinakita ng Diyos na ang “maamong hayop at gumagalaw na hayop at mabangis na hayop” ay mga kaluluwa!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Samakatuwid, ang “kaluluwa” sa Bibliya ay hindi tumutukoy sa isang di-nakikitang anyo ng espiritu na umaalis sa katawan pagkatapos ng kamatayan. Ito’y tumutukoy sa isang tao o sa isang hayop, o sa buhay na taglay ng isang tao o isang hayop.


Ano ba ang Nangyayari Pagkatapos ng Kamatayan?


Maliwanag, kung gayon, na ang Bibliya ay salungat sa paganong ideya na ang tao’y may isang kaluluwang di-namamatay. Sino, sa palagay mo, ang nagtuturo ng katotohanan sa bagay na ito? Ang mga paganong pilosopong Griego o ang sariling pinakipagtipanang bayan ng Diyos? Tiyak, iyon ay ang bayan ng Diyos, na pinagbigyan niya ng kaniyang kinasihang Salita.


Gayunman, nariyan pa rin ang tanong, Ano ba ang nangyayari sa kaluluwa pagkatapos ng kamatayan? Yamang ang kaluluwa ay ang tao rin, maliwanag, ang kaluluwa’y namamatay pagka namatay ang tao. Sa ibang pananalita, ang isang patay na tao ay isang patay na kaluluwa. May mga kasulatan na nagpapatunay nito. “Ang kaluluwa na nagkakasala—ito mismo ay mamamatay,” ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ating mababasa: “At sinabi ni Samson: ‘Mamatay nawa ang kaluluwa ko kasama ng mga Filisteo.’ ” May iba pang mga kasulatan na nagpapakitang ang mga kaluluwa’y maaaring ihiwalay (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.), paslangin ng tabak (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.), inisin (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.), at malunod (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Ang isang yumaong kaluluwa, o isang patay na kaluluwa, ay isang taong patay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Kung gayon, ano ang kalagayan ng mga patay na kaluluwa? Sa simpleng pananalita, ang kamatayan ang kabaligtaran ng buhay. Lahat ng ating sentido ay kakatnig ng ating pisikal na mga katawan. Ang ating abilidad na makakita, makarinig, at makapag-isip ay depende sa wastong pag-andar ng ating mga mata, tainga, at utak. Kung tayo’y walang mga mata hindi tayo makakakita. Kung walang mga tainga hindi tayo makaririnig. Kung walang utak hindi tayo makagagawa ng anuman. Pagka ang isang tao’y namatay, lahat ng mga pisikal na sangkap na ito ay humihinto na ng pag-andar. Tayo’y hindi na umiiral.


Kasuwato nito, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Kung tungkol sa mga patay, sila’y wala nang nalalamang anuman . . . Walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol [ang libingan], ang dako na iyong paroroonan.” Sa katulad na paraan, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga dakilang tao, ni sa anak man ng makalupang tao, na hindi makapagliligtas. Ang kaniyang espiritu [puwersa ng buhay] ay pumapanaw, siya’y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ring iyon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.” Kaya pagka ang mga tao (mga kaluluwa) ay namatay, sila’y talagang hindi na umiiral.


Mula sa Turong Pagano Hanggang sa Doktrina ng Simbahan


‘Subalit hindi baga ang Bagong Tipan ay nagtuturo ng pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa?’ marahil ay itatanong ng iba. Hinding-hindi. Inaamin ng New Catholic Encyclopedia: “Ang B[agong] T[ipan] ay nananatiling tapat dito sa [Matandang Tipan] na kaunawaan tungkol sa kamatayan.” Sa ibang pananalita, ang “Bagong Tipan” ay nagtuturo na namamatay ang kaluluwa. Ipinakita ni Jesu-Kristo na siya’y hindi naniniwala na ang kaluluwa’y walang-kamatayan. Siya’y nagtanong: “Katuwiran baga ang gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath o ang gumawa ng masama, magligtas o pumatay ng isang kaluluwa?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay umayon din sa “Matandang Tipan” sa pangmalas nito tungkol sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagsipi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Nasusulat pa nga: ‘Ang unang taong si Adan ay naging isang kaluluwang buháy.’ ”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Kung gayon, papaano naging doktrina ng simbahan ang kaisipang nanggaling kay Plato? Ang Encyclopædia of Religion and Ethics, ni James Hastings, ay nagpapaliwanag: “Nang ang ebanghelyong Kristiyano ay lumabas na sa pintuan ng sinagogang Judio tungo sa arena ng Imperyong Romano, isang ideya ng kaluluwa na Hebreo ang kalakhang bahagi ang nalipat sa kapaligiran ng kaisipang Griego, na walang bahagyang pagkakaiba nang ito’y hiramin.” Ang mga tagapagturo ng simbahan ay nagsikap na ang kanilang mensahe’y “tanggapin ng isang sanlibutang may kaisipang Griego” sa pamamagitan ng paggamit sa “tatag nang mga termino at kaisipan ng mga sikologong Griego.” Ang mga teologong Judio man ay nagsimulang magpakita ng “matinding impluwensiya ng Platonismo” sa kanilang mga isinulat.—Encyclopædia Judaica.


Ang turo ng Bibliya tungkol sa kaluluwa ay itinakuwil nga at hinalinhan ng isang doktrina na hindi mapagkakamalang pagano. Ito sa ano mang paraan ay hindi maipagmamatuwid sa dahilan na ang paggawa ng gayon ay gumawa sa Kristiyanismo na lalong kaakit-akit sa masa. Nang nangangaral sa Atenas, ang pinakasentro ng kulturang Griego, hindi ang doktrina ng kaluluwang itinuro ni Plato ang itinuro ni apostol Pablo. Bagkus, kaniyang ipinangaral ang Kristiyanong doktrina ng pagkabuhay-muli bagaman marami sa kaniyang mga tagapakinig na Griego ang nahirapan na tanggapin ang kaniyang sinabi.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Oo, si apostol Pablo ay nagbabala laban sa anumang paghahalo ng katotohanang salig-sa-Bibliya at ng paganismo nang kaniyang sabihin: “Anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Kristo kay Belial?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Walang alinlangan na sa pagpapahintulot na ang isang paganong turo ay maging isa sa mga panulukang-bato ng kaniyang pilosopya at teolohiya, ang Sangkakristiyanuhan ay nagdulot ng upasala sa Diyos mismo!


Pag-asa Para sa mga Nangamatay


Ang mga tao ay malayang makapaniniwala sa ibig nila. Gayumpaman, hindi maikakailang ang doktrina ng pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ay wala sa Kasulatan. Kung gayon, ang mga tao ba ay walang pag-asang magkamit ng buhay pagkatapos mamatay?


Pagkatapos itanong ni Job, “Mabubuhay pa kaya [ang tao]?” siya’y nagpatuloy at ibinigay niya ang kinasihang kasagutan. Sinabi niya: “Ikaw [Jehova] ay tatawag, at ako mismo ay sasagot sa iyo. Ikaw ay magnanasa sa gawa ng iyong mga kamay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, ang Bibliya ay nagbibigay ng pag-asa sa pagkabuhay-muli para sa lahat ng mga nasa alaala ng Diyos. Siya’y nagnanasang isauli sa buhay ang kaniyang tapat na mga lingkod, tulad ni Job! Pinagtibay ni Kristo Jesus ang pagiging totoo ng pag-asang ito, na nagsasabi: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagkat dumarating ang oras na lahat ng mga nasa alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas, ang mga nagsigawa ng mabuti ay sa pagkabuhay-muli sa buhay, ang mga namihasa sa paggawa ng masama ay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Pagsapit ng panahon ng katuparan ng hulang iyan, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nangangako, “Tunay na sasakmalin [ng Diyos] ang kamatayan magpakailanman.” Ito’y nangangahulugan ng isang daigdig na kung saan, gaya ng pagkasabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., “hindi na magkakaroon ng kamatayan.” Nais mo bang mabuhay sa isang daigdig na walang mga paglilibing o mga punerarya, walang mga nitso o libingan, wala nang mga luha ng pagdadalamhati kundi mga luha ng kagalakan lamang?


Totoo naman, baka ikaw ay pinalaki sa paniniwala sa doktrina ng kaluluwang walang-kamatayan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, makapagpapaunlad ka ng pananampalataya sa mga pangako ng Bibliya na nagpapalaya.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Matututuhan mo rin kung ano ang kailangan mong gawin upang magmana ng ipinangako ng Bibliya, hindi ang pagtatamo ng kaligtasan bilang isang kaluluwang walang-kamatayan, kundi ang pagtanggap ng “buhay na walang-hanggan” sa Paraiso sa lupa!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
oo ligtas
mapupunta ka sa ibang timeline
giphy.gif
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 505
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
1,176
Guests online
4,720
Total visitors
5,896
Back
Top