Sa laravel 8 Auth po.
Pag nag create ka ay iisang user table lang po meron.
Paano mo magdagdag pa ng isang different table user then pwede silang mag login sa iisang form.
Like Admin at Manager. Magkaibang table. Parehas na user.
Yung mga nasesearch ko kasi ay magkaibang form pa ang pinagsi signupan nila. Paano po ba mapagisa yun?
Yung database ni user lagyan mo ng user role, default mo muna user. Then gamit ka ng laravel guards pag gusto mo naman i secure si api gamit ka laravel passport. Tapos build kana ng admin dashboard dun mo pwede i edit kung ano magiging role ni user kung gagawin mo ba syang manager, employee or kung ano pa. Sana makatulong hehehe ito ginamit ko guards pati passport para ma secire api ko share ko lang nag aaral din po ako sa laravel ngayon. Yung isa dashboard ni admin yan then ung isa pwede i hide ung ibang features or buttons using guard tama po yung sabi ni master Zyzz.
Specifically need mo ba na i-separate ang table para sa different roles? Ang ideal kasi dito is paggawa ng either many-to-many relationship (every users can have one ore more roles), or one-to-many relationship (may isang specific role per user). Pag ganito, iisang user table na lang ang need para sa lahat ng klase ng users, then pwede mo i-assign yung roles nila.