- Joined
- Sep 3, 2021
- Posts
- 3,247
- Solutions
- 4
- Reaction
- 1,800
- Points
- 1,288
Heto napapansin ko sa mga taong in a relationship pati na rin sa sarili ko. Kung sino ang mas in love siya ang talo. Kung mas in love ka lagi ka naka-focus sa kanya, lagi mo siyang iniisip, lagi ikaw ang nagbibigay or nag-iinvest ng time, money,effort, gifts, etc. At dahil dun mas nagiging kampante ang partner mo. Kapag naging kampante ang partner mo eh instead na i-reciprocate ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya, kabaligtaran ang ginagawa niya. Di ba akala natin mata-touch sila dahil sa sobrang pagmamahal na binibigay mo? Maling akala lang un. Ang mangyayari ay mauumay sila, masasakal at mafallout. Ang kahahantungan ay manlalamig sila, yun tamad na rin kausapin ka at baka maghanap na rin yan ng iba. Kaya kung nararamdaman mo na ikaw ang mas in love sa inyong dalawa eh dapat mo gawin mag-focus ka sa sarili mo, pagwapo ka or paganda, focus sa trabaho, hobbies, basta maghanap ka ng pagkakaabalahan. Hindi un nakatuon lang ang attention mo sa partner mo. Masisira ang buhay mo nyan. Tingnan mo pag nag-focus ka sa sarili mo ikaw ang hahabol habolin ng partner mo. Ang advice na ito ay para rin sa sarili ko dahil may point na humantong ako sa ganyan at sobra akong nasaktan.