- Joined
- Jun 27, 2018
- Posts
- 1,006
- Reaction
- 2,880
- Points
- 752
- Age
- 27
Magandang Araw po mga Kapatid,
Have a bless sunday po sa lahat
Nag almusal na ba kayoo dyaan .. dont skip breakfast po s laht,
Share ko lang po itong passage mula sa ating Makapangyarihang Diyos,
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos,
Ang populasyon ay aangat sa kahusayan, habang ang mga di-aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay tatangayin papunta sa kawalan. Ang mga sinang-ayunan Ko ay silang mga gagawin Kong perpekto, at wala Akong itatakwil ni isa. Walang mga pagsasalungatan sa Aking sinasabi. Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay tiyak na ililigtas Ko sila. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging iba. Gusto mo bang maging ganoong tao? Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Have a bless sunday po sa lahat
Nag almusal na ba kayoo dyaan
Share ko lang po itong passage mula sa ating Makapangyarihang Diyos,
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos,
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao