What's new

Trivia Kung Magpapasakop ka

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Magandang Araw po mga Kapatid,
Have a bless sunday po sa lahat❤️😍🌾🌾

Nag almusal na ba kayoo dyaan😊😁.. dont skip breakfast po s laht,

Share ko lang po itong passage mula sa ating Makapangyarihang Diyos,

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos,🌾🌾

🌿🌿Ang populasyon ay aangat sa kahusayan, habang ang mga di-aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay tatangayin papunta sa kawalan. Ang mga sinang-ayunan Ko ay silang mga gagawin Kong perpekto, at wala Akong itatakwil ni isa. Walang mga pagsasalungatan sa Aking sinasabi. Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay tiyak na ililigtas Ko sila. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging iba. Gusto mo bang maging ganoong tao? Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
 
Mas ok po sana kung lalagyan mo ng bible verse yang mga pinopost mo sapagkat!

Juan 7:17-18
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.


-Ang Dating Biblia 1905
 
Last edited:
Mas ok po sana kung lalagyan mo ng bible verse yang mga pinopost mo sapagkat!

Juan 7:17-18
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.


-Ang Dating Biblia 190
🙋Ano ang ibig sabihin ng biblical?
Ayy oo nga, dapat may bible verses pala:

Halimbawa: Juan 16:12

Pero wait, ano ang sabi sa Juan 16:12
📖Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.

At sa Juan 21:25?
📖At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.

Kung ang basihan lamang natin ng pagiging biblical ay mayroong bible verse?

Paano kung walang bible Verse?
Paano kung, 👉"📖Sabi ng Makapangyarihang Diyos"

Pagnilayan po natin ito:
👉Juan 21:25 - Ibig sabihin ang sumulat ay si Juan
👉Mateo 24:29 - Ang sumulat ay si Mateo
👉Lucas 21:25 - Ang sumulat ay si Lucas

👉Sabi ng Makapangyarihang Diyos - Sino ang sumulat?🤔

Hala!! Isang tao ba? kaya hindi natin matanggap ang kanyang salita ngayong mga huling araw dahil salita lang ito ng tao?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos
📖Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip pinarurusahan, nilalapastangan, o inuusig din Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang sarili mo, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian
 
Sorry to say this igan kulang ka po sa pagkaunawa ng Kasulatan dahil sa isang talata pa lang na pinitas mo mali na interpretasyon mo sana kinuha mo po yung buong konteksto ng talatang ginamit mo.

Pero wait, ano ang sabi sa Juan 16:12
📖Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.


Juan 16:12-13
12 Marami pa akong sasabihing mga bagay sa inyo ngunit hindi ninyo ito matatanggap sa ngayon.
13 Gayunman, sa pagdating ng Espiritu ng Katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanan. Ito ay sapagkat hindi siya magsasalita ng patungkol sa kaniyang sarili. Kung ano ang kaniyang maririnig,iyon ang kaniyang sasabihin. Ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.



Magandang umaga igan at pagpalain ka nawa ng Dios at wag maging pantas sa iyong sarili(Kaw 3:7) ..Paalam!
 
Back
Top