What's new

Konsekwensiya ng sobrang pagbibigay ng layaw sa mga Anak

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
290
Points
395
INSPIRATIONAL MESSAGE FROM THE BIBLE with Bro.Eli

At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;

Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.

Hebreo 12:5-6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

 

Attachments

Nakupo , sa america hindi puwede paluin ang anak para disiplinahin, tatawag lang sa 911 yong anak kulong ang magulang, kaya ang daming mga walanghiyang mga kabataan sa u.s
 
Nakupo , sa america hindi puwede paluin ang anak para disiplinahin, tatawag lang sa 911 yong anak kulong ang magulang, kaya ang daming mga walanghiyang mga kabataan sa u.s
and i like that since i don't believe inflicting pain brings knowledge at all, it only makes a person stop what he's doing dahil takot siya sa pain but he's just waiting for the pain giver gone
 
Permissive parenting style ang America.
Tiger parenting style ang Asia.

Mas okay-okay pa ang parenting style ng America kaysa parenting style ng Pilipinas. Hindi nga talaga maganda na pinapalo ang bata dahil consider child abuse sa kanila iyon.

Dito hindi child abuse. According naman daw kase iyon sa bible kase nga religious country po tayo. Ang america ay liberated. Meron din silang liberal Christian.

Sa bible ay pansin ko na authoritarian parenting style ang dating. Mas prefer ko ang authoritative parenting style at permissive parenting style. Ang permissive parenting style kase ay nakatingin sila sa nature based ng bata. Kung ano ang emotional needs ng bata. Ang authoritatian parenting style ay demeaning , holistic , limited at harsh punishment.

E mala-authoritarian ang bible kaya? See? Kung ano ang concept o beliefs o ideal ng mga tao when it comes to deity , natural , ganoon din magbehave ang mga tao. Pati sa parenting style , mala-authoritarian , mala-harsh o tipong nakakatakot na tipong meron authority, superior , submissive and demeaning.

According daw sa research , mas marami daw successful na anak na lumaki sa authoritative parenting style at hindi authoritarian ha? Magkaiba po ang dalawa, but depende pa rin kase iyon sa personality ng anak kung saan siya magiging successful pagdating ng panahon.

At saka pansin ko rin na kapag binibigyan ng layaw ang anak , dalawa lang ang kahihinatnan nila. Pwede sila maging successful o pwede sila maligaw ng landas. Kase nga , kapag sobrang layaw ay pwede naman tanggalin ang lahat kung ano meron sa kanya para matuto ang bata or meron ibang strategy na hindi talaga nadadaan sa palo.

According sa ekspert , hindi daw maganda na pinapalo ang bata. Sabi , mas maganda daw etrain ang bata not with the use of harsh punishment but sa pamamagitan ng techniques , guides and tips para ma train ang bata.

Ek.

Alam niyo naman ang religious e? Mala-authoritarian at malakas ang kutob ko kahit parenting style ay ganoon din sila. So dalawa lang ang magiging result. It is either magiging rebelde or magiging masunurin ang anak.

May mga na eencounter ako na rebelde. Tipong bakla na ino open up sa iba pero sa family ay hindi nag oopen up kase nga strict o keyso mala-religious.

Meron nagsabi na toxic ang family kapag ang mismong anak ay hindi nag oopen up. Tipong patago ang ginagawa. Yung tipong proud ang parents dahil ang anak ay isang mala-disiplinado teacher pero tuwing gabi ay nagpapractice ng dance move na mala-korean pop or kaya straight guy sa umaga at tanghali pero pagdating sa gabi ay bading na bading na walang nakakakita na bading nga talaga siya.

E kase nga family nga diba? In times of trouble , takbuhan ay family. Kailangan ng financial at emotional support at security.

Hirap ng ganyan na limitado at hindi open up sa lahat. Tipong mala-authoritarian ang dating na laging takot ang anak sa parents. Sabagay , authoritarian nga e noh?

Katulad namin.

Dad ko ay traditional. Namamalo. Since child ay pinapalo kami. Nagkaroon kami ng fear sa dad namin. Mas hindi namin naging ka-close. Mas close kami sa mom namin. Hindi rin kami humihingi ng pera sa dad namin. Humihingi kami sa pera ng mom namin noon nag-aaral pa kami. Iyon ang that time na nagpapadala ng pera ang dad namin sa mom namin.

Hindi kami nakikipag-usap sa dad namin. Nang naging ãdül† kami. Ganun pa rin kami. Ang kapatid kong lalake ay tumatakas-takas sa kwarto ko na meron bintana. Nakakalusot kase siya doon. Kapag kumakain ang dad namin sa namesa , lumulusot ang kapatid ko sa bintana ng kwarto ko kapag uuwi at aalis na ng bahay. Ayaw niya magpakita sa dad namin.

Hindi kami nag-oopen up sa dad namin.

Nag oopen up kami sa mga friends at sa mga barkada. Kaya tingnan naman natin , mga barkadista ang mga anak. Andoon lang sila nakakakuha ng stress reliever. Bago ako naging introvert , madami akong barkada noon. Ngayon wala na.

Hanggang nagkaroon ng kabit ang dad namin. Nadagdagan pa iyon pero ako , hindi na ako masyado apektado dahil in the first place ay malayo na ang feelings ko sa dad namin. Anyway , kung mamalo iyon, well, matindi. Sunturon na bakal. Traumatic ang dating. Tipong hindi kami naging expressive.

Iyan ang experienced na napalong anak katulad namin vs sa pamangkin ko na sobrang expressive to the maximum level. Sinasabi niya ang nararamdaman niya. Alam niya kung ano ang ayaw at gusto niya. Nakakapag open up siya kung sino ang crush niya. Ganun! Panay I love you siya ng I love you sa amin na walang katapusan.

Kaya nang namatay ang pet namin , pati iyon , kahit broken heart kami , nagpipigil din kami sa iyak na dapat inilalabas namin.

Kaya kapag naiisip ko na kung paano kami na brought up , isa lang ang lesson learned ko. Ayaw ko ng traditional. If ever na makakapag boyfriend o makapag asawa ako , gusto ko reverse kung ano ang ikinalakihan ko. Tipong nakakapag open up kami sa isa't-isa. Ayaw ko ng limit. Ayaw ko na harsh na tatay na mahilig mamalo.

Pero parang ayaw ko na rin magkaroon ng boyfriend. Ramdam ko kase na nakukulangan ako sa kanila. Hindi ko alam kung dahil sa dad ko o sa ikinalakihan ko o sadyang nakukulungan ako talaga sa kanila.

Feel ko talaga. Kulang.

Ang pagpalo ay trace back pa siya ng unang panahon ng Kastila na nagdala ng relihiyon Catholic. Namana natin sa kanila iyon kaya nga , meron dala-dalang stick ang guro na ready na sa pagpapalo ng student na hindi marunong sumunod. Nang meron namatay na student dahil sa pagpalo ng guro , nagkaroon na ng batas na bawal na palauin ang mga student.

So medio understood kung ang mga pumapayag sa pagpalo ng bata ay dahil sa lumaki ito sa belief system ng Catholic church dahil kastila ang nagpamana ng relihiyong Catholic pero siguro kahit non-Catholic , naaapply din nila iyon dahil nga predominant ang Catholic faith dito sa bansang Pilipinas kaysa sa ibang relihiyon or ginagawa din kase iyon ng mga tao na extremely religious.

Ito ang mas nakaka interesting. Meron trauma din kase ang dad ko. Nalaman ko sa mom ko. Napalo din kase siya din ng tatay niya which is lolo namin. Kaya kung ano ang ginagawa sa amin ng dad niya para madisiplinado kami, ganoon din kase ang ginawa sa kanya ng tatay niya noon bata pa. Kaya nang namatay ang lolo namin which is tatay niya , hindi niya iniyakan.

E di parang chain reaction din.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top