What's new

Kelan ka huling tumingin sa mga ulap?

Yu Ijin

Enthusiast
Joined
Dec 22, 2021
Posts
91
Reaction
102
Points
47
Nung bata pa ako madalas ako nakatingala sa mga ulap at pinapanood ko yung parang invisible na bulate.
Minsan nagsasaranggola. Pero ngayon bihirang bihira na.

Kelan ka huling tumunganga sa ulap, sa ilog at hayaang mamahinga ang iyong kalooban at marelax.
Iba parin ang pagrerelax sa panonood ng mga ulap, tubig o bituin.

Merong something na nakakagaan ng loob ang pagtitig sa malalawak na lugar o malalayong tanawin.
Di niyo ba napapansin mas madaming depress ngaun dahil sa stress?
Di kaya ito ay dahil sa sinasabi ng ating nanay na "kakaselpon mo yan!"

Stress ka na ba? Baka ang kailangan mo lang ay ang pagtunganga at pagmasdan ang kagandahan ng mga ulap, ilog, dagat o bituin.
Pagalain ang isipan at imahinasyon sa kalawakan ng kapaligiran.
 

Similar threads

Back
Top