What's new

Kaw. 23:13 Saway sa Bata

Status
Not open for further replies.

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
290
Points
395
Kaw.23:13
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.


Wag daw po natin ipagkait ang saway sa bata na kung may hampas man ng pamalo ay hindi niya ikamamatay.

Kaw. 3:12
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.


Sinasaway ng Panginoon ang kanyang iniibig
gaya ng isang amang umiibig sa kanyang anak na hindi nagkakait ng saway upang magsikap at magsisi

Apoc.3:19
Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.


Pinapalo po ng mga magulang ko ang mga nakababata kong kapatid palibhasa may takot sa Dios kaya sa kamay at sa parte ng puw3t lamang kung paluin sila malayo po sa maselang parte.

Efe.6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.


Ayan po sana hindi natin ipagkait sa bata ang saway lalo na sa mga naniniwala sa biblia,sawayin natin ang ating mga anak ayon sa aral ng Panginoon

God bless.
 
Ang sinungaling ng bible verse. Meron na nga namatay , e dideny pa. Anyway , sige , maniwala kayo diyan. Faith niyo lang naman iyan.

Ang tawag sa tao na naniniwala sa biblia ay bibliolatry. Ang ibig sabihin ay parang bible worshiper na ang resulta.
 
Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.

Kawikaan 26:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
 
Kaw.14:12
May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.


Inaakala ng iba na ang katuwiran nila ay matuwid pero ayon sa biblia daan pala ng ikapapahamak,daan na tila matuwid at matuwid lamang sa kanyang akala.kadalasan ang nagiging batayan ng mga taong ito ay ang nakikita lamang nila sa paligid

Tito 1:16
Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Marami ang nagsasabi na kilala nila ang Dios at ang mga gawa nila ang nakikita nitong mga kalaban ng biblia kaya sa kanilang pagmamatuwid sila rin ang nasisilo sapagkat ang mga gawa pala nitong mga nakakakilala daw sa Dios ay pawang mga pagpapanggap lamang na kinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.

Mar.13:6
Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.

Hula po ito ng Cristo at kita natin ang katuparan nito sa ating panahon.tunay ngang marami ang naligaw at nabulag ng dios ng sanglibutang ito na pati ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampataya ay wag silangan ng liwanag lalo na itong mga nagbabatay kung ano lamang ang nakikita ng kanilang mga mata.mga mata na ang nakikita mga gawaing masasama ng mga nagpapakunwaring sa Dios.mga nagpapakilalang mga kristyano pero kinakaila sa kanilang mga gawa.mga manlalabag sa aral ni cristo.

2 cor.4:4
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

wala nga talagang kaliwanagan para sa mga taong ito.

lahat tayo naniniwala o hindi naniniwala sa biblia kakain ng bunga ng kanya-kanyang sariling lakad at ang iba ay magpapakabusog sa bunga ng sarili niyang gawa.

Kaw.1:31
Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top