What's new

Trivia Katotohanan patungkol sa mga sinasabi sa biblia Part1

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,006
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Ang Biblia ay patotoo sa Panginoon, at ito rin ang batayan ng ating pananampalataya. Sa loob ng dalawang libong taon, ang lahat ng naniwala sa Panginoon ay nagawa ito ayon sa Biblia. Samakatuwid, naniniwala kami na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon, na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Hindi kami maaaring humiwalay mula sa Biblia. Paano kami maniniwala sa Panginoon kung hihiwalay kami sa Biblia? Sinasabi mo bang may mali sa aming pagkaunawa?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw kayong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa loob ng maraming taon, ang kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (niyong sa Kristiyanismo, isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo) ay ang basahin ang Biblia. Ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa mga panuntunan sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na magbasa pa ang mga tao ng ibang mga libro, ang paliwanag sa Biblia ang dapat na pundasyon ng mga librong ito. Ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at maliban sa Biblia, hindi ka dapat sumamba sa anumang aklat na walang kinalaman sa Biblia. Kung ginagawa mo iyon, pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay. At dahil dito, sa sandaling maniwala ang mga tao sa Panginoon, inuumpisahan na nilang basahin ang Biblia, at kabisaduhin ang Biblia, at habang mas dumarami ang nakakabisa nila mula sa Biblia, mas napapatunayan nito na mahal nila ang Panginoon at malaki ang kanilang pananampalataya. Ang lahat ng mga nakapagbasa ng Biblia at nakapagbabahagi nito sa iba ay mabubuting mga kapatid. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya at katapatan ng mga tao sa Panginoon ay nasusukat ayon sa lawak ng kanilang pagkaunawa sa Biblia. Hindi lamang talaga nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos, o kaya ay paano maniwala sa Diyos, at wala silang ginagawa kundi pikit-matang maghanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi kailanman hinanap ng mga tao ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu; simula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong pag-aralan at siyasatin ang Biblia, at walang sinumang nakahanap ng bagong gawain ng Banal na Espiritu na labas sa Biblia. Walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, ni nangahas na gawin ito. Ang mga tao ay pinag-aralan ang Biblia sa loob ng mga taong ito, sila ay nakabuo ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming paggawa. Marami rin silang pagkakaiba-iba ng opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga mahigit pa sa dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita rito ang naganap para sa gawain ni Jehova sa Israel, o ang naganap para sa gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pagturing ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang nagbibigay ng ganap na kalinawan tungkol sa nakapaloob na kuwento o diwa ng Biblia. Kaya ngayon ang mga tao ay mayroon pa ring di-mailarawang diwa ng kahiwagaan pagdating sa Biblia, at mas nahuhumaling pa sila rito, at nagkakaroon pa nga ng higit na pananalig rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawain sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraan, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas nalalapit ang mga huling araw, higit na bulag na pananalig ang ibinibigay nila sa mga propesiya sa Biblia, partikular na sa mga tungkol sa mga huling araw. Sa ganito kabulag na paniniwala sa Biblia, sa ganitong pagtitiwala sa Biblia, wala na silang hangad na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, iniisip nila na ang Biblia lamang ang maaaring maghatid ng gawain ng Banal na Espiritu, sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos, sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng gawain ng Diyos, ang Biblia lamang—hindi ang ibang mga aklat o tao—ang makapaglilinaw ng lahat tungkol sa Diyos at sa kabuuan ng Kanyang gawain. Ang Biblia ay maaaring maghatid ng gawain ng langit sa lupa, at ang Biblia ay maaaring kapwa simulan at tapusin ang mga kapanahunan. Sa mga kuru-kuro na ito, wala nang kagustuhan ang mga tao na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa mga tao noong araw, ito ay naging isang balakid sa pinakabagong gawain ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang lugar, ngunit ngayon, nakapaloob na ang Kanyang mga yapak sa Biblia, at naging doble ang hirap ng pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawain, at tila isa itong paakyat na paglalakbay. Lahat ng ito ay dahil sa kilalang mga kabanata at kasabihan mula sa Biblia, at dahil na rin sa iba’t ibang mga propesiya sa Biblia. Ang Biblia ay naging idolo sa isipan ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at sadyang hindi nila kayang paniwalaang makagagawa ang Diyos ng gawaing nasa labas ng Biblia, hindi nila kayang paniwalaan na matatagpuan ng mga tao ang Diyos nang labas sa Biblia, at mas lalong hindi nila magawang paniwalaan na maaaring lumihis ang Diyos sa Biblia sa huling gawain at magsimulang muli. Hindi ito sukat maisip ng mga tao, hindi sila makapaniwala rito, at hindi rin nila ito makita sa kanilang isipan. Ang Biblia ay naging isa nang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pagpapahirap sa pagpapalawak ng Diyos ng bagong gawaing ito.

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian
 
Back
Top