What's new

Help Kasalanan ko ba o hindi?

vaizel

Honorary Poster
Established
Mga lods pahingi naman akong insights niyo.

Ganto kasi. Smoker ako at yung partner ko. Lagi ako nag-iiwan ng lighter or posporo sa bintana namin para mas madali ako makapag sindi ng yosi para di na mangamoy sa loob ng unit namin. By the way, nakatira pala kami sa condo.

Eto na nga, ang unit namin is nasa second floor and I'm confident na walang makikialam sa naiwan ko na lighter or posporo sa bintana namin dahil bihira mag bukas ng pinto yung ibang unit sa mga katabi namin or what not and matagal ko na rin tong habit.

And then kinabukasan, bumili ako sa malapit na tindahan samin ng lighter kasi nga nawala yung mga pansindi ko. Either lighter or posporo. (usually May mga owners na nag se-setup ng sari-sari store sa mga unit nila kasi nga mahal sa convenience store ng buong condo or kailangan magpunta pa kami sa supermarket).
Nai-chismis nitong May ari ng sari-sari store na meron batang kumuha ng posporo namin and pinaglaruan sa May laundry area kaya nagka-usok and possible na magkasunog samin. Since pang gabi kami ng partner ko(both working in a BPO industry) tulog kami ng umaga til' hapon and gising sa gabi. Kinabukasan lang namin nalaman.

Mga lods pa-disclaimer lang. Hindi ako magulang. Wala pa kaming anak ng partner ko. Pero ang defense ko is negligence na to ng mga magulang nung bata na taga ibang unit much worse is taga ibang floor. Most likely mas mataas na floor samin kasi nasa 2nd floor lang kami.
Gusto ko lang malaman kung kasalan ko ba kasi nag iwan ako ng flammable thing sa bintana namin for convenience, or kasalanan to ng magulang ng mga bata for negligence. Basically, para sakin lang ah, hindi naman magiging issue to kung hindi napapabayaan ng mga magulang yung mga anak nila. Na hindi pwede yung ganto or hindi pwede yung ganyan. Kumbaga for education purposes lang sa mga bagay na possible na mag cause ng disaster hindi lang sa kanila kundi para din samin din.

Ako ba yung mali sa gantong situation or hindi?

Please enlighten me. Opinions are very much appreciated.
 
hindi mo naman kasalanan yan. medyo nasa mataas na posisyon naman yung posporo at kung may makakaabot nyan may isip na yung bata na kukuha non
Ayun nga lods. Siguro mga bata na pasok na sa grade school or elementary level kaya abot na nila yung bintana namin. Pero kasi hindi sa floor ng condo namin. Sa chismong May ari na ng sari-sari store nag sabi na sa taas na mga bata since kilala niya karamihan nakatira dito usually kasi sakanya nabili kaya namumukhaan din. Ang defense ko lang talaga dito is negligence ng magulang kasi dapat i-monitor nila mga anak nila. And again lods hindi pa ako magulang kaya hindi ko din maintindihan yung situation nila.
 
Speaking of common sense ay wala naman kayong kasalanan kasi nasa property naman ninyo yung lighter/posporo. But the fact na bata (menor de edad) sya, sa inyo ang sisi.

To be clear and I am hoping for.. wala namang sunog, right? Much better to coordinate this with the child's parents na din and be the bigger/better person na din at huwag nang mag-iwan sa bintana.
 
I understand lods. Thank you for your insight. Sabi nga nila prevention is better than cure. Pero never nagyari to before as I've mentioned naging habit ko na mag iwan ng lighter or posporo since wala naman issues before.
 
Yon nga lang bata yun eh. Alam mo naman ang mga bata ngayon sobrang maligalig. Tayo nung kabataan natin konting pinanlakihan lang tayo ng mata ng parents natin ay tiklop agad tayo.. ang mga bata ngayon ibang-iba.
 
Pwede ba ako nalang ay may kasalanan? Akuin ko na.

De jok. Kasalanan ng magulang nung bata kasi hindi nila tinuruan na wag makialam ng gamit na hindi sa kanila.
May isip na rin yung bata napag laruan nga yung kinuha e.
 
Yon nga lang bata yun eh. Alam mo naman ang mga bata ngayon sobrang maligalig. Tayo nung kabataan natin konting pinanlakihan lang tayo ng mata ng parents natin ay tiklop agad tayo.. ang mga bata ngayon ibang-iba.
I agree lods. Hindi ko naman pwede basta nalang kutusan yung bata kasi pakielamero sa gamit namin. Pero kasi kami yung mas nakakatanda. Ang gusto ko lang sana is wag sana mapabayaan ng mga magulang yung mga anak nila.

Hindi niyo kasalanan
Yun din iniisip ko lods. Kumbaga negligence na to ng mga magulang nung bata since hindi naman sila same floor samin.
 
I agree lods. Hindi ko naman pwede basta nalang kutusan yung bata kasi pakielamero sa gamit namin. Pero kasi kami yung mas nakakatanda. Ang gusto ko lang sana is wag sana mapabayaan ng mga magulang yung mga anak nila.
Totoo yan.. kausapin na lang siguro ng maayos yung parents ng bata then ayon nga, iwas din sa pag-iwan ng lighter/posporo.
 
Ayun nga lods. Siguro mga bata na pasok na sa grade school or elementary level kaya abot na nila yung bintana namin. Pero kasi hindi sa floor ng condo namin. Sa chismong May ari na ng sari-sari store nag sabi na sa taas na mga bata since kilala niya karamihan nakatira dito usually kasi sakanya nabili kaya namumukhaan din. Ang defense ko lang talaga dito is negligence ng magulang kasi dapat i-monitor nila mga anak nila. And again lods hindi pa ako magulang kaya hindi ko din maintindihan yung situation nila.
magulang talaga yan or bantay since wala kayong anak pa walang problema nasa gilid gilid yang mga ganyan bagay dahil wala naman kayo iniisip na mangengelam non. pano nalang kung nakasira ng property niyo sorry nalang ganon? kase bata? eh kasalanan naman kase hindi binantayan condo yan hindi lang yang ang pwede magyari mataas ang mga condo maraming aksidente pwede mangyari lalo kung hindi binabantayan ng magulang o yaya
 
di rin naman kailangan na solohin ng mga magulang nung bata ang kasalanan boss kasi ikaw yung owner ng mismong flammable material (posporo), if yung aso mo kinagat ang bata ikaw pa din responsible bilang owner ng mismong harmful factor (aso), just be responsible na lang boss in every thing you own
 
Similar threads

Back
Top