What's new

Kapag walang trabaho useless?

Iloveu300

Eternal Poster
Joined
Mar 13, 2019
Posts
1,241
Reaction
543
Points
478
Age
26
Hi guys? stress narin ba karamihan dito dahil sa lintik na covid na pagala gala sa mundo hanggang ngayun wala padin work?
Ako mag 1 year na akong walang work dahil sa covid. dati akong nagwowork sa manila assemble dissasemble ng pc kaka miss🥺.
Dahil sa pandemya umuwi ako sa takot na mahawaan at 3 days a week ang naging pasok sa dati kong pinapasukan.

Minsan napapaisip nalang ako hanggang ngayun bakit di ako makahanap ng work kahit panay ang apply ko naman. nahihiya akong madalas sa mga taong kakilala ko lalo na sa mga relatives ko pati mga ninong ko. kada may makakakita saakin nagtatanong kung ano daw trabaho ko ngayun. sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko ngayun guys. madalas maiistress kalang habang nag iisip kung paano naba gagawin mo. kahit magulang ko napapagalitan na ako.

mabuti nalang talaga at may ph corner na maaasahan minsan kahit pabarya barya lang nakukuha mo nakakatulong padin dami kong nalaman dito kaka tambay. maraming salamat sa bumuo ng forum nato❣️
 
mag send kalang ng mag send wag kang mahihiya, lahat naman d2 naka experience nyan, kaya ts payo ko sayo wag kang mapapanghinaan ng loob, kasi para yan sa ikabubuhay mo.. send ka lang ng send kahit di inclined sa proffesion mo, kesa ma tengga ka pa,
 
salamat sayo ts. di ako mapapagod mag send ng resume. di naman habang buhay nasa ganitong sitwasyon tayo. yan ang lagi kong iniisip kapag pinanghihinaan na ako ng loob.
 
Congrats may trabaho ka na😊 pwede ka naman mag hanap trabaho through online job😁
 
Last edited:
send ka lang ng send ng emails, mag walk-in ka sa mga target mong applyan tapos mag bigay ka lang ng resume, wag mawalan ng pag-asa
 
[XX='Iloveu300, c: 668667, m: 1437518'][/XX]

at least ang goal mo everyday 5-10 times ka mag send or hindi man maka send walkin ka,
spammin mo ung hr ng emails haha ako ginaganyan ko hhahahah
 
Sayang walang CARE react. Di naman sa useless lods, gumagawa ka naman ng way para makahanap ng trabaho. Wag ka lang susuko idol cheer up!
 
[XX='Iloveu300, c: 668748, m: 1437518'][/XX] mismo, tama ka jan, basta wag ka lang mawalan ng pag-asa makaka bangon din tayo sa kahirapan
 
yan pa lods isa ko iniisip gastos din pag nakahanap ka e hehe. etong forum nalang nagiging stress reliever ko, tagal nung vaccine hehe.
 
[XX='Iloveu300, c: 668752, m: 1437518'][/XX] gagastos ka naman talaga sa mga requirements eh, tiis lang talaga
 
[XX='ICE Dee, c: 668759, m: 1620315'][/XX] May point si lodi kaya lang dagdag sa gastos din 😅. Ang hirap ang labanan ngayon sa pagaaplay, lalo na ngayon 😂.
 

Similar threads

Back
Top