What's new

Anong kuwentong lockdown mo?

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,166
Solutions
330
Reaction
129,296
Points
22,179
4th anniversary na ng covid lockdown sa pinas.

March 16, 2020 nag announce na ang IATF na mag lockdown ang buong Pilipinas dahil sa laganap sa COVID 19.

Nakakatakot ang pangyayari noon. Feeling ko nasa pelikula na ako na halintulad sa mga zombie movies tulad ng 28 weeks later. (minus the zombies.)

Halos lahat ng tao dagsaan sa mga grocery. Nag kakaubusan lahat ng alkohol pati na rin facemask. Isama mo na ang nangyari noong pagsabog ng taal same year din na nangyari.

Sobrang nakakabored at hindi ako makalabas na ng bahay. Hindi ko rin minsan tolerable kasama magulang ko noon. Miss na miss ko na mga friendships ko noon.

Tapos masyadong babad ako dito noon sa PHC kaya naging ito ang grind ko noon sa pagiging contributor hanggang 2021 (may mga lockdown pa noon pero hindi kasing lala ng unang lockdown.)

Halos ilang buwan ang inintay bago medyo nag luwag ng restrictions. May 2020 na ako nakalabas labas na nag iikot lang gamit MTB ko pero hindi puedeng kausapin f2f mga kaibigan ko noon :(

Tapos yung buwisit na faceshield na iyan. Halos hindi na ako makahinga sa facemask, lalagyan pa ng faceshield? Naging mandatory din iyan mga late 2020 or early 2021 na siguro.

Kayo anong kuwentong lockdown ninyo?
 
nakakatakot at nakakaparanoid kasi meron din ako allergy sa ilong , nag wawatery eyes at nag babara ilong ko minsan .. so nakakaparanoid if infected ako..
so nung lumabas ako para bumili ng goods bigla ako na allergy kaya nag suob agad ako ng maligamgam na tubig na mausok ..

sa sahod naman wala problema kasi govt employee , kahit work from home o wala pasok dahil pandemic , meron pumapasok
na sahod sa atm buo .. kada kinsenas/katapusan ..

nakakatakot that time talaga, .. nag papasalamat lang din ako dahil ligtas ang pamilya ko ..
 
hindi tuloy ako nakasampa nun March 2020. pero okay lang baka hindi talaga para sakin pagbabarko. ngayon okay na ko sa government. thanks be to God.
ako naman dapat lilipat ako ibang department sa lgu samin. pero nakabalik ulit after 3 years salamat din sa Diyos.
 
As for me in my experience,Continue parin ang work ko.As a Checker of hardware(e.g wifi router,Cat 5e and all every other items that related to wifi) for Smart Telecom and PLDT,Non Stop ang distribution namin nun.And during that time,dun rin ako nagka jowa.ahahaha...Funny enough na i always come with her even lockdown since i have all the permission needed para makagala.Pakita ko lang Smart ID and PLDT badge ko,no question ask na ang mga check point.Hahahaha...It might be worst year for most of the people but for me,it was fun and adventure.
 
Aking natatandaan pa din noon yung pagputok ng Taal. Sabi ko sa sarili ko siguro naman wala ng mas lalala sa ash fall na yan. Mas kinatatakutan ko kasi yung The Big One since sa Metro Manila ako nakatira. Although meron ng warning about covid sa ibang bansa lalo na sa China as early as 2019 (kaya nga sya tinawag din na covid-19) di ko inexpect na magkakaroon ng global breakout.

At yun na nga, nakapasok na sa Pinas ang covid. Unti unti nagsara mga establishments. Sa una pinapapasok pa kame sa opisina. Hanggang sa nagkaroon na ng nationwide lockdown. Eventually nagdecide na yung opisina na magwfh setup nalang kame. At dun na nagsimula ang ilang taon na "bakasyon", ika ng aking mga katrabahong nasa probinsya. Habang sila ay nagsasaya doon, kami naman dito sa Maynila eh parang mga preso. So kanya kanya ng paraan para maaliw mo sarili mo.

Ewan ko lang pero sa aming mga introverts hindi naman naging mahirap ang pagkukulong sa bahay. Nung mga panahon na yun nagawa kong simulan yung One Piece at nagawa kong abutan kung current episode in a span of 1.5 months. More than 1000 episodes yung nipanuod ko. Natutunan din namen ng mga friends kong maglaro ng kung ano ano online. So medyo hindi ko sila namiss kasi halos araw araw magkakausap kame sa dc. Sinwerte din ako during covid kasi for some reason, nagawa kong makaloan at makalipat sa sarili kong tirahan. Grabe panggigisa ng banko nun pero eventually inapprove din nila yung loan ko. Nung panahon din ng covid nakapagfocus ako sa pagaaral ng Nihongo. Naging part yun ng routine ko para magpalipas ng oras.

Swerte lang kasi wala sa family ko ang naapektuhan at nasawi dahil sa covid. Nakakatakot lang kasi andun yung kaba mo kapag biglang tumaas yung cases sa lugar nyo.
 
national naman me .. di mahigpit kaso dapat my output ka at pasok sa deadline .. highly technical ang work kaya pag di ka gumalaw ikaw din kawawa ..
 
WFH na introvert kaya di gaano affected. May mga times na lumabas ako na wala mask pero di naman nahwaan. Wala pa ako bakuna noon. Minsan naisip ko na baka scam lang yan covid.
 
nakakatakot din yung mga kalat na conspiracy tungkol sa mga bakuna .. . na itong bakuna daw eh isang way para ma lessen yung tao sa mundo, at pinapalala din daw nito kung ano meron ka sa katawan , para nga ma lessen ang tao sa mundo ..

pero nag pa vaccine pa din kami
 

Similar threads

Back
Top