Kamusta ka, kaibigan? Ok lang ba kalagayan natin dyan?
Ngiti lang, kung may problema kaya mong malampasan
Magpasalamat sa kung anong meron at makukuha palang ngayon araw
Basta pinaghirapan mo goods yan at di galing sa nakaw
Pawis, pagod ang puhunan hanggang hapon pero sahod ganun parin
Di tataas kahit anong gawin mong balik-baliktarin
Pero ayos lang, nakakaahon naman kahit konti
Asahan mong may darating na bagay sari-sari
Etong tulang 'to ginawa ko para maging mapanatag ka
Susuko ang hamon sayo kase di ka nagiisa
Magdasal, gawing sentro sa buhay mo ang Panginoon
Asahan mong maririnig nya ang iyong bawat tugon.
Good eve po master... maraming salamat po sa paalala, binabasa ko ito habang nakikinig sa Calm na galing kay Love D at talagang nakakagaan sa pakiramdam ang tula mo na ito.. Ok lang naman ako kahit eto wala nang sweldo hehe.. pero tama ka , malalampasan ko rin ito kaya dapat magtiwal lang tayo sa Diyos na nakakakita ng lahat.