What's new

Kahit ba hindi nakapasa sa Board Exam mahihire ka pa rin ba?

Sattellizer

Addict
Joined
Sep 29, 2017
Posts
165
Reaction
28
Points
114
Iniisip ko lang, 2nd Year na ko sa BSCE. Wala akong natutunan sa Online classes at hindi ko ma grasp yung lessons. Wala akong alam sa ibang subject pero pumasa ako. Naiisip ko parang wala yata akong chance para makapasa nang Board Exam. Nahihire po ba ang mga Non-Board Passers na Civil Engineer?
 
Depende sa company. Pero madalang sa pilipinas ang pumpansin sa non board passer.


May 2 years ka pa lods. Wag ganyan mindset. Alam mong wala kang natututunan, ask for help. Find other ways para matuto ka.
 
Dont worry TS hndi naman poreber itong pandemic babalik din sa school soon. Bawi na lang next 3 years mo.
As for the board - matagal pa yon wag mo muna isipin. Focus on making the present better.
Pwede ka naman umattend ng board review classes di ba..
 
Nung nag OJT ako, yung isang engineer namin don nakapagtrabaho siya dun sa company na yon (medyo sikat na construction firm) kahit di pa siya pasado sa board exam, kaso mababa daw sweldo haha.

Naka schedule ako mag take ng CE Board exam this May pero pakiramdam ko din babagsak ako HAHA nakakatamad mag aral nang buong araw nasa bahay lang.

Tip ko nalang sayo is pag mag rereview ka na, pili ka ng magandang review center
 
Ang buhay parang lvl up games you start with lvl 1. And you cannot reach max lvl without passing lvl2,lvl3 and so forth. Just continue to grind.
Gets mo? kc ako hinde eh hehehe😂 think positive lng godbless
 
T.S Sabi Nga Sa Lyrics Ng Siakol Wag Mong Isipin Yun. Mag Aral Ka Ng Mabuti Kayang Kaya Mo Yan Fighting ♥
 
Hello bebe, okay lang iyan. Ako nga ay lack of knowledge na rin kahit graduate na, hindi ko na rin ata alam magsolve ng mga reaction kaloka huhuhu... kakastress kasi, pero huwag kang pastress. Kaya mo iyan. Laban 😍.. someday, you will get rid the letters "I-N-G" in the Engineering word, and you will become a successful ENGINEER, RCE.

Kapag feeling mo pagod ka na, pahinga ka lang. Kapag feeling mo wala ka nang alam, review review. Huwag kang negative. Papasa ka jan. Saka mo na isipin ang board exam hihi.. focus muna kung ano ang meron ka ngayon. 😄😘
 
wag muna susuko ts, haha 2nd year ka pa lang naman e, mag self study ka at tanungin mo prof mo, mas mabuti na ang matanong na estudyante, yan ang gusto ng mga teacher

sa tanong mo naman, pwede ka parin na man ma hire, wala ka nga lang license, importante mag sumikap ka, maraming board passer, di naman ganun ka ganda ang work place, pagpatuloy mo lang
 
Kalagitnaan daw ng March mag memeeting yung mga CE Chairperson kung icacancel sabi nung pinagrereviewhan ko haha
 
Grabe, no? Huhu. Kawawa yung mga taong nagresign sa mga work para makapag review tas hindi matutuloy, no? Huhu. Tsaka yung mga iba pang naggive way para sa board exam this May. Huhu. Sana maging ok na ang lahat.
 
malayo layo pa ang lalakbayin mo paps, kaya kalma ka lang muna, wala ka pa sa year level na kung saan mag uumpisa ang mga tunay na bakbakan, ang importante nag aaral ka at isinasaulo mo yung mga napag aaralan mo, mag advance learning ka may computer at internet ka naman pwede ka mag research about sa mga gusto mong malaman o mapag aralan
 
Oo naman. nag hahire mga company ng mga non license C.e. pero unang una sa salary hindi parehas sa license Engr. kahit parehas kayong wala pa experience sa work. pangalawa yung position mo sa company is not Civil engr. sa ibang company lalo na sa malalaki naka depende sa level ang position. saka i mean ayos lang na wala kang matutunan sa online class o sa teacher mo lalo pag di mo trip, basta make sure to find a wayy na mas magiging convinient sa learning mo. wag mo hayaan na zero knowledge ka palagi kasi yung iba maaapply mo sa higher engineering subjects. wag mo baliwalain. take this as a guide namin para sayo para ngayon palang baguhin mo na yung mga sa tingin mo hindi magandang habit mo. eventually yung pag aaral e hahanap hanapin mo. parang nung nagseslf study ako before board exam and ngayon nagagamit ko yung mga inaral ko nung review lalo na sa structural and hopefully maging qualified para maging structural engineer.
 

Similar threads

Back
Top