What's new

Closed Kahapon

Status
Not open for further replies.

Nameless23

Eternal Poster
Joined
Oct 11, 2016
Posts
1,043
Reaction
588
Points
447
Age
25
Simula ngayon kakalimutan ko na
aalisin ko na tatangalin ko pa
para mawala lahat ng sakit
nang iwan mo ako habang hawak kita ng mahigpit

Kahapon

naaalala ko panung magkasama tayong dalawa
sinasabi lagi sayo na ikaw lang talaga
hindi titingin at hahanap ng iba
dahil ikaw lang sa akin ay sapat na

pero habang tumatagal hindi na sumasaya
laging nag aaway at lagi kang wala
hindi kita inawan kahit ganun na
pero sa pagbibigay ko ikaw pala ay bumigay na

nakita kita na may kasamang iba
gumuho bigla ang mundo ko sinta
hindi ko akalain na bigla nalang mawawala
ala ala ng kahapon na ating ginawa

nakita kita habang masaya
magkasama kayo at sabay tumawa
ngunit narito ako at nag iisa
umiiyak nagsisisi dahil nawala ka

mahal kita yan ang gusto kong sabihin
kung masaya ka na hindi na ako titingin
kakalimutan ang kahapon at titingin sa ngayon
kahit kapalit nun ay pangungulila sa panahon

-NameLess
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top