What's new

Trivia Kahalagahan ng Panalangin at Pagsasagawa nito

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,006
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

Lahat kayo ay naglalaan ng oras upang manalangin kapag humaharap
kayo sa mga suliranin at paghihirap, ngunit nananalangin ba kayo kapag
nasa mabuti kayong kalagayan, o kapag pakiramdam ninyo ay naging
matagumpay ang isang pagtitipon? Karamihan sa inyo ay hindi, sa tingin
Ko. Pagkatapos ng isang matagumpay na pagtitipon, dapat din kayong
maghandog ng panalangin at pagpupuri. Kung pupurihin ka ng isang tao,
magiging mayabang ka, pakiramdam mo ay kinasihan ka ng katotohanan,
at sa gayon mababalaho ka sa isang hindi tamang kalagayan. Subalit,
mararamdaman mong tuwang-tuwa ang iyong puso, hindi mag-aalay ng mga panalangin ng pagpupuri, walang sasabihing mga panalangin ng
pagpapasalamat. Dahil nakabalaho ka ngayon sa ganitong uri ng
kalagayan, sa susunod na pagtitipon, mapapansin mo sa iyong sarili na
hindi ka makaimik, at mararamdaman mong wala sa iyo ang gawain ng
Banal na Espiritu. Ang pinakamapanganib na kalagayan ay kapag hindi
makontrol ng isang tao ang kanyang kalagayan, nagpapakasaya sa mga
bunga ng kanyang pinagpagalan kapag nakagawa siya nang kaunting
gawain, o nangangailangan ng ilang araw, marahil, upang makabawi mula
sa isang tila negatibong kalagayan. Naglalaan kayong lahat ng panahon
upang manalangin kapag may mga suliranin kayo, o kapag hindi ninyo
lubos na nauunawaan ang isang bagay; nananalangin kayo kapag
binabagabag ng pag-aalinlangan at pag-aatubili, o kapag ibinubunyag mo
ang isang tiwaling disposisyon—nananalangin ka lamang kapag ikaw ay
nangangailangan. Dapat ka ring manalangin kapag matagumpay ka sa
iyong gawain. Kapag nakakakita ka ng mga resulta mula sa iyong gawain,
nagiging napakasaya mo na hindi ka na nananalangin, ngunit kuntento sa
iyong kagalakan, at nananatiling nakabalaho sa ganoong kalagayan. Sa
mga ganitong pagkakataon, maaaring masalang ang ilang tao sa kaunting
disiplina. Baka, halimbawa, masumpungan mo ang iyong sarili na
naharang habang namimili, o nanakawan ng iyong pera, o baka may
nasabing hindi kanais-nais ang isang hindi mananampalataya na
nagdudulot sa iyo ng sama ng loob at pagkabahala, at sa kabila pa rin nito,
hindi mo malalaman kung sa anong bagay ka nagkasala sa Diyos. Sa
katunayan, madalas ginagamit ng Diyos ang panlabas na kapaligiran
upang disiplinahin ka at saktan ang iyong puso, at, kapag sa wakas ay
lumapit ka sa Diyos upang manalangin, nagsasalita ka ng kaunting mga
salita ng pagdalangin, napagtatanto mo na ang iyong kalagayan ay hindi
tama—kampante at marahil, mapagmataas—at nasusuklam ka sa iyong
sarili. Kasunod ng mga salitang iyon ng pagdalangin, ang hindi tamang
kalagayan sa loob mo ay naitutuwid. Kapag nananalangin ka, gumagawa
ang Banal na Espiritu, at nagbibigay sa iyo ng partikular na pakiramdam na
nakapagpapaahon sa iyo mula sa iyong hindi normal na kalagayan. Ang manalangin ay hindi lamang basta upang maghangad nang kaunti, upang
sumunod sa ilang mga pormalidad, at pagkaraan ay tapos na; ang
manalangin ay hindi pagsasalita ng kaunting mga salita ng pagdalangin
kapag kailangan mo ang Diyos, at pagkatapos ay wala kapag hindi mo
kailangan ang Diyos. Kung matagal na panahon kang hindi
nakapanalangin, gaano ka man sana kasigla, at kahit pa maaari sanang
maging normal ang iyong kalagayan, mararamdaman mo, sa sari-sari
mong ginagawa, na kumikilos ka nang ikaw lang. Hindi ka maliliwanagan o
matatanglawan ng Banal na Espiritu; susundin mo lamang ang mga
alituntunin. Ang kumilos sa gayong paraan kapag tumutupad ng iyong
tungkulin ay walang ibubunga.
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 552
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
blame it on me

Online statistics

Members online
1,189
Guests online
2,514
Total visitors
3,703
Back
Top