What's new

@JESUS JESUS IS THE ONLY WAY TO THE HEAVENLY FATHER AMEN JUAN 3:16

Grangermiya

Forum Guru
Established
Joined
May 31, 2022
Posts
1,205
Reaction
523
Points
1,076
JUAN 3:16 For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have enternal life.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangka-katauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang Kaisa-isang Anak, Upang ang sinumang Sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Amen


PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 

Similar threads

Back
Top